Mr. Fu thankful kay Cristy Fermin sa patuloy na pagmamahal at pagpapahalaga

Image by Cristy Fermin via Instagram | Image by Mr. Fu via Instagram
  • Mr. Fu pinasalamatan si Cristy Fermin sa patuloy na pagtatanggol sa kanya
  • Binanggit niya ang mga kabutihang ginawa ni Cristy sa kanya kagaya ng pagrekomenda para makasama sa mga programa nito
  • Ang kontrobersyal na pahayag ni Cristy kay Kris: “Magdidildil ako ng asin, Kris Aquino, ‘wag ka lang makasama”

Makaraan ang kontrobersyal na pahayag ng showbiz reporter na si Cristy Fermin para kay Queen of All Media Kris Aquino kaugnay sa pag-atras ng huli sa programang sana’y gagawin nila dahil kasama nila si Mr. Fu na hindi raw nila ka-level, nagpasalamat si Mr. Fu kay Cristy.

Image by Mr. Fu via Instagram

Pahayag ni Fu, malaki ang pasasalamat niya sa showbiz reporter sa maraming beses na pagtatanggol sa kanya. Hindi umano ito nagsasawang ipaglaban siya tuwing may isyu.

“Maraming beses na niya akong ipinagtanggol at ngayong may isyu, hindi pa rin s’ya nagsasawang ipaglaban ako. Maraming salamat, ‘nay, sa pagmamahal at pagpapahalaga mo sa akin bilang katrabaho, bilang anak,” ani nito.

Kasabay nito ay binanggit niya ang iba pang kabutihang nagawa sa kanya ni Cristy kagaya ng mga positibong artikulo patungkol sa kanya noong nagsisimula pa lamang kahit hindi pa sila nagkikita nang personal.

Ang reporter din, saad pa nito, ang nagpakilala sa kanya sa naging manager niya na si Noel Ferrer. Isinama pa siya ni Cristy sa lahat ng talk show nito sa TV5.

Nang magkaroon daw ng programa sina Cristy at Lolit Solis sa PSN na Take It Per Minute ay inirekomenda siyang makasama sa programa at idinugtong ang “May Ganon” sa titulo. Ang “May Ganon” ang pamosong linya na pinasikat ni Fu sa kanyang radio program.

Image by Mr. Fu via Instagram

Cristy Fermin rants: “Magdidildil ako ng asin, Kris Aquino, ‘wag ka lang makasama”

Matatandaang nakaplano sanang gumawa sina Kris, Fu, Lolit at Cristy ng isang talk show program pero tumanggi si Kris dahil kasama si Fu. Sabi ni Cristy, “Ang sabi ni Kris Aquino, kami lang daw ni Manay Lolit ang gusto niyang makasama. Hindi niya raw kilala si Mr. Fu at hindi namin ka-level si Mr. Fu,” na nagpaiyak daw sa kaibigan.

Kaya, sabi nito, “Ako mismo, kahit ano pa ang gawin mo, kahit na ano pa ang gawin ni Chuck Gomez na panliligaw sa akin, kay Manay at kay Mr. Fu, hindi bale na lang. Magdidildil ako ng asin, Kris Aquino, ‘wag ka lang makasama.”

Image by Cristy Fermin via Instagram

Loading…