Muhlach twins na sina Atasha at Andres, 19 years old na

Image by Charlene Gonzalez via Instagram
  • Muhlach twins na sina Atasha at Andres, 19 taong gulang na
  • Tila hindi namamalayan ang paglipas ng panahon yamang parang kailan lamang noong maliliit pa ang dalawa
  • Bumuhos ang pagbati para sa kambal

Kay bilis ng paglipas ng panahon at ang mga batang noon ay mga maliliit pa lamang ay malalaki na; parang kailan lamang. Katulad ito sa kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na nag-celebrate pala ng kanilang ika-19 kaarawan noong November 5.

Image by Charlene Gonzalez via Instagram

Sa pamamagitan ng kanilang social media account ay masayang binati nina Aga at Charlene ang mga anak nilang sina Atasha at Andres.

Giit ng nanay, mananatiling babies niya ang mga anak kahit na malaki na sila. Aniya, “Forever babies in Mama’s eyes. Happy 19th birthday to the loves of my life, @atashamuhlach_ @aagupy. I love you with all my heart. The celebration begins.”

Si Aga naman ay nagbahagi ng then and now photos ng mga anak. Sabi niya, “You guys rock!!! Love you both! Happy 19th! Cheers.”

Noong Mayo ay ipinagdiwang ng mag-anak ang pagtatapos ng dalawa sa sekundarya. Sabi noon ni Charlene, proud na proud sila sa tagumpay ng mga anak sapagkat ang ilang taong hardwork ng mga ito ay nagbunga na.

Pahayag pa ng beauty queen, hindi man pisikal na nakapag-martsa ang mga anak dahil sa pandemya ay hindi naman nawala ang mga sakripisyo, pagtitiyaga, pagkatalo, tagumpay at mga aral sa buhay na natutunan at patuloy na matutunan sa eskuwelahan at sa buhay.

Image by Charlene Gonzalez via Instagram

“Continue dreaming & reaching for your dreams & putting God first in all your plans and he will lead your path. We love you so so so so much!!! To all the 2020 graduates.”

BASAHIN: Andres Muhlach, bagong modelo ng Bench

Image by Charlene Gonzalez via Instagram

Bumuhos naman ang pagbati para sa mga birthday celebrants na bumida noon sa fastfood at ice cream commercial.

Komento ng isa, “What, 19 na sila?!!? OMG where have I been?!? Inaabangan ko pa wedding special nila nun, I was a senior in HS and now wow look at these gorgeous kids! Happy birthday!”

Image by Charlene Gonzalez via Instagram

Loading…