Multo man, nag-iingat din: Ina Feleo nag-trending dahil sa suot na face shield

Imahe mula sa Instagram | Ina Feleo at Facebook | Jasper Magtibay
  • Viral sa social media ang role na ginampanan ni Ina Feleo sa Daddy’s Gurl
  • Kahit kasi multo siya ay nakasuot siya ng face shield
  • Paliwanag naman ng ilang netizens, bahagi talaga iyon ng eksena

Trending sa social media ang aktres na si Ina Feleo dahil sa kaniyang karakter sa GMA 7 comedy show na Daddy’s Gurl.

Imahe mula sa Facebook | Jasper Magtibay

Napansin kasi ng isang netizen na kahit multo ang ginagampanan niyang papel ay nakasuot pa rin ito ng face shield. Matatandaang ipinag-utos ng pamahalaan ang pagsusuot nito lalo na kapag nasa pampublikong transportasyon.

“Ngayon lang ako nakakita ng multo na naka-face shield,” sabi ni Jasper Troy Luna Magtibay sa kaniyang post kalakip ang larawan ni Ina.

Halo-halo naman ang reaksyon ng mga netizen sa post na umani na ng mahigit 60k reactions at 112k shares habang isinusulat ito. “Buti pa ang multo, marunong sumunod sa quarantine protocols,” biro ni N. Nacario.

Paliwanag naman ng ilan, bahagi talaga ng eksena ang pagsusuot ni Ina ng face shield.

Imahe mula sa Instagram | Ina Feleo

Mainam na rin daw ito dahil bukod sa mapoproteksyonan siya mula sa virus ay comedy rin naman ang Daddy’s Gurl. “Tama lang ‘yan kasi comedy naman talaga ‘yang palabas na ‘yan e,” komento ni Kevin B.

Sabi naman ng ilang netizen, marapat lamang na mabigyan ng sapat na proteksyon mula sa virus ang mga artista dahil malaki ang ginagampanan nilang papel upang makapagbigay ng kasiyahan sa gitna ng pandemya.

“They are risking their lives to give us entertainment. Nasa rule siguro nila na while taping, kailangan pa ring unahin ang safety ng actors,” paliwanag ni Hazel G.

“For safety purposes at nagsasadula lang naman sila. That does not mean na they do not need protective measures anymore,” sabi naman ni John B.

Ayon sa PEP, ito ang unang episode ng Daddy’s Gurl na kinuhanan sa labas dahil ang mga naunang palabas nila ngayong pandemya ay via video call.

Source :

Facebook, PEP

Loading…