Nadia Montenegro: Natangay ni Ulysses ang lahat pero lalong tumibay ang faith ko

Imahe mula sa Instagram | Nadia Montenegro
  • Kabilang si Nadia Montenegro sa mga Pilipino na sinalanta ng bagyong Ulysses
  • Kahit wala siyang nailigtas sa kaniyang mga gamit ay nagpapasalamat siya dahil ligtas sila ng kaniyang mga kaanak
  • Kahit daw naapektuhan siya ng Ulysses ay hindi siya nito tuluyang nasira

Wala mang naisalba mula sa kaniyang mga ari-arian ang aktres na si Nadia Montenegro nang manalasa ang bagyong Ulysses ay walang ibang namutawi sa kaniyang bibig kundi pasasalamat sa Diyos dahil ligtas siya at ang kaniyang pamilya.

Imahe mula sa Instagram | Nadia Montenegro

Bagama’t tinawag niyang “sad and dark” ang panahong ito ay sinabi niya rin na lalo lamang pinatatag ng pagsubok na ito ang kaniyang pananampalataya.

“I feel so much love and support from all of you. Thank you and we’ll be okay. Ulysses affected me but he didn’t damage me,” sabi pa ng lumuluhang si Nadia.

Kuwento ni Nadia, naging mabilis ang pagtaas ng tubig sa kanilang lugar sa Marikina matapos na bumigay ang pader ng creek malapit sa kanilang tahanan. “Nalingat lang kami, the water from the back of the house, doon po dumaan,” pagbabahagi niya.

“And then, ‘yon nga, umabot na kaagad ng hita tapos umabot na kaagad ng bewang. In short, wala kaming na-save, wala kaming nakuha but those are material things,” sabi ng aktres.

Imahe mula sa Instagram | Nadia Montenegro

“I pray for everyone affected by the typhoon and if there is one thing I want to share, ‘yon nga sabi ko sa post ko, natangay man ni Ulysses lahat, nakuha man niya lahat pero grateful lang ako na lalong tumibay yung faith ko.”

Bukod sa Diyos ay nagpasalamat din siya sa mga malalapit na kaibigan at kakilala na tumulong sa kanila. Hiling din niya ang panalangin para sa lahat ng mga naapektuhan nito.

“I’m so used to being the one on the other side, helping. Kaya hopeless ako ngayon kasi hindi ako makatulong pero I’m so grateful to be on the other side with all the help that we are receiving, all the love that we are receiving from each and every one of you,” aniya.

“Ang dami kong gustong pasalamatan pero si Lord na lang muna kasi now that I am watching the news the morning after, I am just grateful and I pray for everyone affected kasi hindi pala madali.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadia montenegro (@officialnadiam)

Loading…