Nagbalik na: Jollibee Champ burger, Ultimate Burger Steak muling magpapatakam sa sambayanan

Image by Jollibee via Facebook
  • Jollibee classics na Champ burger at Ultimate Burger Steak, nagbabalik na
  • Ito’y dahil na rin sa patuloy na pagre-request ng mga loyal customers
  • Matatandaang itinigil ng Jollibee ang production ng mga nasabing food item Enero ngayong taon

‘Yung favorite mo oh, nagbalik na! Wish granted talaga.

Mayroon talagang mga umalis na sa buhay natin at akala natin ay ‘di na natin makadadaupang-palad pa, pero sa hindi inaasahang panahon ay babalik ito para muling magdala ng sarap at ligaya. Naks, hugot! Nagbabalik na kasi ang all-time favorite Jollibe classics na Champ Burger at Ultimate Burger Steak.

Image by Jollibee via Facebook

Nagdesisyon kamakailan ang pamunuan ng kilalang fastfood chain na ibalik ang mga Jollibee classics na minahal ng sambayanang Pilipino dahil na rin sa rami ng mga customers na nagre-request nito. Available nang muli ang mga ito sa 324 Jollibee stores mula pa noong October 30, 2020.

Gawa ang Champ burger sa 100-percent pure beef, 1/3 pounds patty with cheese, lettuce and tomato. Maliban sa Classic Champ, maaari na ring mabili ang bagong Bacon Champ na mayroong dalawang strips ng bacon, at ang Amazing Aloha Champ na may honey mustard dressing at dalawang pineapple rings.

Nagkakahalaga ang classic Champ solo mula P150.00 samantalang P185.00 at P199.00 naman ang Bacon Champ at Amazing Aloha Champ, respectively.

Samantala, gawa naman sa 1/3 pound Champ patty topped with mushroom sauce and served with fries, mushroom slices, garlic beats at eggs on rice ang Ultimate Burger Steak na ang presyo’y nagsisimula sa P150.00.

Matatandaang itinigil ng pamunuan ng Jollibee ang production para sa dalawang food item Enero ngayong taon.

Image by Jollibee via Facebook

Pahayag ni Jollibee AVP for Bestsellers category Cathleen Capati batay sa ABS-CBN News, “We’re very happy to bring back a product that has received so much clamor from its loyal fans.

“The return of the Jollibee Champ is a result of the passionate clamor for everyone’s favorite langhap-sarap BIG burger made even better with two new variants to satisfy more cravings for different flavors.”

Ikaw, anong memory ang naaalala mo sa mga Jollibee classics na ito?

Image by Jollibee via Facebook

Loading…