
- Netizen nanawagan para sa lalaking naabutan ng lockdown sa PGH
- Nagpa-ope
ra umano sa mata si Tatay Romy Perez pero nabulag pa rin ang isang mata - Napansin ng netizen na nanlili
mahid ito at mahina na
Hindi pa raw nakakauwi at naabutan ng lockdown ang isang lalaki na nagpaopera sa mata sa Philippine General Hospital (PGH) ngunit nabulag pa rin ang isa niyang mata kaya’t nananawagan ang isang concerned citizen sa mga nakakakilala rito na sunduin siya sapagkat medyo nanlilimahid ito at mahina na.

Ayon kay Maria Lalusis, nadaanan daw niya ang lalaking nagpakilalang si Tatay Romy Perez sa Makati Avenue. Nabanggit ng lalaki na ang kanyang mga kapatid at pamilya ay nasa Mulanay, Quezon City.
“Nagpa-opera po siya ng mata sa PGH subalit nabulag pa rin po ang isa niyang mata. At hindi na siya nakauwi simula noong lockdown. Nananawagan po ako sa pamilya niya na sana ay masundo na siya dahil bulag na po ang isa niyang mata.”
Bagamit binigyan niya ito ng pamasahe pauwi ay nag-aalala pa rin siya para rito. Dulot nito, nananawagan siya sa mga may magandang kalooban na tulungan ang lalaki na makarating sa kanila ng maayos.
“Nananawagan po ako sa kapatid niya daw po at sa pamilya niya. Maraming salamat po sa magpapa-abot ng tulong sa kanya. Paki-share naman po para maka-abot sa pamilya niya ang panawagan ko.”

Nag-trending na ang post na nakaabot ng higit 1,100 reaksyon at nasa 6,800 pagbabahagi sa Facebook. May mga naghayag naman ng pagnanais na makatulong, nag-tag sa programa ni Raffy Tulfo at binanggit si Syrian Wanderer.
“Pagpalain ka ng Panginoon sa yong kagandahang loob,” ang komento ng isa.
Sana nga ay makarating na sa kaniyang pamilya si tatay at may mga may mabubuting kalooban na tumulong sa kanya lalo pa’t mahina na siya.
