Nagsuot ka rin ba ng maskarang pamasko na gawa sa karton?

  • Throwback ang hatid ng larawan sa isang Facebook page
  • Nagpapakita ito ng mga kartong maskara na may dibuho ng mukha ni Santa Claus
  • Ngayon daw ay ibang mask na ang isinusuot ng mga tao

Malalaman mong malapit na Christmas season feels kapag isa-isa nang lumalabas ang mga simbolo ng Pasko: parol, Christmas tree, Christmas lights, belen, at iba pang mga palamuting nagpapahiwatig nito. At syempre, bukod kay Heskukristo, Maria at Jose, hindi rin maaaring mawala si Santa Claus.

Si Santa Claus ang naging simbolo ng pagbibigayan ng regalo sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Kaya naman, usong-uso noon ang pagsusuot ng maskarang may dibuho ng mukha ni Santa Claus. Iyan ang binalik-tanawan ng Facebook page na “Batang Pinoy-Ngayon at Noon.”

Imahe mula sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon / Public Domain Image

Ayon sa caption, nakaka-miss daw ang panahong ganitong mask lamang ang sinusuot ng mga tao. Ngayon kasi, face mask na ang suot ng lahat bilang pananggalang sa COVID-19, na halos mag-iisang taon na ring nananalasa at nagpabago sa tipikal na takbo ng pamumuhay sa buong daigdig.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Yes relate na relate ako riyan, paborito ko yung mga superhero na mask, pero syempre, iba pa rin ang feels kapag si Santa Clause ang suot mo,” turan ng isa.

Sabi naman ng isa, “Childhood days nakaka-miss yung may rubber band sa dalawang tenga. Piso lang ‘yan noo,  may free pang kending maliliit mula sa suking tindahan.”

“Hahahaha! Oo nga! Pipili ka sa tindahan ng gusto mong mask… tapos isusuot mo na, habang naglalaro kayo ng mga kaibigan mo. Ngayon, nakakalungkot na ibang mask na ang sinusuot natin, hindi na masaya, kundi simbolo ng pag-iingat laban sa sakit.” pahayag naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Nakaka-miss yung amoy ng karton lalo na kapag bagong bili. Sana ganiyang mask na ulit ang isuot ng mga bata at hindi na face mask at face shield.”

Public Domain Image

Hindi lamang mukha ni Santa Claus ang patok na inilalagay sa mga kartong maskara. Nariyan din ang mukha ng iba’t ibang mga superheroes at cartoon characters.

Relate-much ka rin ba?

Source :

Facebook

Loading…