Nakadaupang-palad mo na ba ang “Kamay ni Hesus” sa Lucban, Quezon?

  • May sarili tayong “Christ the Redeemer” dito sa Pilipinas
  • Ito ay ang “Kamay ni Hesus” sa Lucban, Quezon
  • Tinatayang may taas itong 50 talampakan 

Kung ikaw ay isang “pilgrim” at nais mong magkaroon ng pagkakataong “makadaupang-palad” si Hesukristo, maaaring dayuhin upang pagnilayan ang sikat na “Shrine of Kamay ni Hesus” sa Lucban, Quezon.

Ito ang katumbas ng malaking rebulto ng “Christ the Redeemer” sa Rio de Janeiro sa Brazil. Iyan ang itinampok ng isang netizen na nagngangalang “Alfredo Nicolas” sa Facebook page na “Memories of Old Manila and Beyond.”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila and Beyond / Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“We’ve been there several years ago. It’s a memorable day for me and my friends, my son, and sister,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “You have to climb more than 300 steps to reach the top, but its just like you have fulfilled a sacrifice.”

“Napasyalan ko na ‘yan, noong may pilgrimage ang Love Flock Charismatic Community. After mass inakyat namin ‘yan at mula ibaba hanggang sa dulo naakyat ko rin. Hirap sa pag-akyat, ngunit sa pagbaba para akong nakalutang at madaling nakababa,” kuwento naman ng isa.

Pagbabahagi naman ng isa, “Babalik ako diyan kapag nawala na ang COVID-19,  magpapasalamat ako at aking buong pamilya na nalampasan namin ang pandemyang ito. At least I was able to visit you once, but still want to visit you again… hopefully, someday.”

Halos malaking bahagdan ng mga Pilipino ay Katoliko. Ang banal na lugar na ito ay maituturing na pilgrimage para sa maraming mga deboto, lalo na tuwing ginugunita ang Semana Santa. Ito ay may taas na 50 talampakan at may lagpas na 300 baitang bago makarating sa mismong malaking rebulto ni Hesus.

Public Domain Image

Hindi literal na mahahawakan o makakadaupang-palad ang mga kamay ng rebulto dahil masyadong mataas ito, subalit noong bago pa maganap ang pandemya, tinatayang aabot sa 2,000 hanggang 3,000 mga turista ang dumarayo rito araw-araw upang manalangin at magnilay.

Loading…