Nakatikim ka na ba ng ulam na “labong”?

  • Nakakain ka na ba ng “labong?”
  • Ito ay bamboo shoot o sprouts na ginagawang ulam
  • Pinakasikat na lutuin dito ang ginataan

Sabi nga, isang malaking biyaya mula sa langit ang mga hayop, puno, at halaman para sa mga tao. Matatagpuan sa kalikasan ang mga simpleng bagay na magbibigay ng tunay na kasiyahan sa sinomang nilalang. Hindi ka magugutuman basta’t masipag lamang magtanim o humanap ng mga bunga na maaaring kainin lalo na sa panahon ng matinding pangangailangan.

Bukod sa mga gulay, alam mo bang maaaring makain at gawing ulam ang “labong” o maliit na usbong ng kawayan? Tinatawag itong “bamboo shoot” o “bamboo sprouts.” Iyan ang ibinahagi sa Facebook page na “Batang Pinoy-Ngayon at Noon.”

Imahe mula sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon /Public Domain Image

“Anong luto po ang masarap dito?” pagtatanong sa caption.

Tumugon naman ang mga netizens na nakaranas nang magluto ng putahe na yari sa labong.

“Masarap iyan! Tambog-tambog with inihaw na bangus, saluyot at bagoong balayan! Tapos samahan mo pa ng mainit na kaning nakabalot sa dahon ng saging. Napakasarap!” turan ng isa.

Sabi naman ng isa, “Labong na may dahon ng saluyot at may sahog na inihaw na bulig o kaya tilapia tapos uung kanin mainit-init pa na may tutong. Sarap kumain nang nakakamay with siling labuyo.”

“Masarap din iyang ilagay sa lumpiang sariwa. O kaya naman, sa ginataan. May halong saluyot at tinapa o kaya kahit gisang may halong alimasag, wow makakapag-unli rice ka talaga sa sobrang sarap!” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Sa paghahanda ng anomang putaheng may labong, kinakailangang linisin at pakuluan muna itong mabuti upang mawala ang likas na kemikal nitong taglay na cyanogenic glycosides, na makikita rin sa cassava. Mawawala ang kemikal na ito sa proseso rin ng pagluluto.

Samantala, ang tipikal na ulam na ginagawa sa labong ay ginataan. Pangunahing sangkap nito ang kakang gata o coconut milk, na maaaring lagyan ng inihaw na isda o iba pang lamang-dagat, manok, o karne ng baboy.

Ang sarap, hindi ba? Nakakain ka na ba nito?

Loading…