Nanay at kapatid na nurse ni K Brosas sa Italy nahawahan ng COVID-19

Imahe mula sa Facebook ni K Brosas
  • Nahawahan ng COVID-19 ang kapatid na nurse ni K Brosas sa Italy
  • Dahil dito, nagka-virus din ang kaniyang nanay dahil nakatira ito sa kaniyang kapatid
  • Binalaan ni K ang kaniyang mga basher na ‘wag siyang aasarin dahil nasa mood umano siya ngayon para pumatol

Ibinahagi ng comedienne-singer na si K Brosas ang kaniyang pinagdaraanan sa kasalukuyan dahil pareho umanong may COVID-19 ang kaniyang kapatid na nurse at ina na kapwa nakatira sa Italy.

Sa kaniyang Instagram post, humingi ng panalangin ang komedyante matapos alalahanin ang kaniyang sariling karanasan noong bagyong Ondoy.

Screenshot mula sa Instagram ni K Brosas

“Before I sleep, let’s all pray SA mga nasalanta NG bagyo.. napakahirap kc naranasan ko yan nung na ondoy kami na 3 araw SA bubong at nalimas LAHAT ng napundar ko .. kaya bumalik saken yung mga alaala at trauma… let’s help SA ano man ang ating makakaya..,” ani K.

“Plus I’m really struggling now kc bukod SA nangyari SA bansa, I have personal issues na masakit.. kaya paki sama na rin SA dasal nyo kung ok Lang ang sister ko SA italy na nurse na covid positive now lalo na Nanay ko na meron din at nasa emergency room,” wika pa ng singer.

Subalit kahit gaano man daw ang kaniyang pag-aalala ay wala rin siyang magagawa kung hindi patuloy na magtrabaho, magpakatatag at magdasal sa Panginoon.

Screenshot mula sa Twitter ni K Brosas

Samantala, sa kaniyang Twitter naman, tila beast mode ang komedyante matapos punahin ng isang basher at sabihang ‘inutil’.

“Itong gagong to puro inutil ang posts SA mga artista.. may 2020 nag start SA twitter kaya alam na.. nasa mood akong pumatol ngayon dahil may covid ang kapatid ko at mama ko na nasa emergency room now!” tila galit na sagot ni K.

Muli niya itong inulit sa kasunod na post habang binabalaan ang kaniyang mga basher na huwag siyang pupunuin lalo pa’t wala siyang balita sa kaniyang ina at kapatid.

Screenshot mula sa Twitter ni K Brosas

“May covid pa baka nakakalimutan nyo… ang Italy naging ok pero now madami uli.. sister kong nurse meron na at halos buong hospital nila.. dahil SA kanya naka tira mama ko nahawa din at nasa emergency room now,” patuloy ng komedyante.

Kilala sa K Brosas sa pagiging vocal sa kaniyang opinyon tungkol sa kasalukuyang administrasyon kaya marami siyang nakakasagutan sa social media.

Ganun pa man, marami sa kaniyang mga tagahanga ay nagpahayag ng suporta at panalangin para sa maagang paggaling ng kaniyang nanay at kapatid sa Italy.

Loading…