Nanay at Tatay na magkatulong na sumasagot sa module ng anak kinaaliwan

  • Kinatuwaan ang isang larawan ng mag-anak
  • Makikitang sinasagutan ng Nanay at Tatay ang learning modules ng anak
  • Nagbigay naman ng reaksyon at komento rito ang mga netizens

Sa panahon ng “Bagong Normal” sa larangan ng pagtuturo, marami sa mga magulang ang nagkaroon ng suliranin hinggil sa pagsagot sa mga learning modules. Ang ilan kasi, nahihirapan sa pag-asiste sa kanilang mga anak dahil maaaring nakalimutan na ang mga pinag-aralan, o sa malas, maaaring hindi nakatuntong ng pag-aaral.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang larawang ibinahagi sa Facebook post ni “Luz De la Pena” kung saan makikita ang isang nanay at tatay na magkatuwang na sumasagot sa learning module ng kanilang anak na lalaki. Makikita namang “hayahay” ang naturang anak.

Imahe mula sa Facebook account ni Luz De la Pena

“RELAX ka lang Boy sina Tatay at Nanay na ang bahala HAHAHAHA!” ayon sa caption ng post.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens.

“True iyan, hehe ako nakikinig lang hindi ko pinapakialaman anak ko dapat maging mapagmatyag lang tayo na mga magulang hehehe,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Naku, huwag ninyo po turuang maging tamad yung bata, nakapagpasa nga nang maayos na sagot pero yung bata kawawa, walang natutuhan.”

“For me lang huwag husga agad. Malay ninyo the parents are just checking if tama ginawa ng anak nila.
Thumbs up sa mga magulang na binibigyan ng oras ang anak para i-check kung tama o mali ang ginagawa ng anak nila,” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Cutie hahaha. A family that answers module together, stays forever! Huwag lang iinit ulo ng mga nanay o taya.”

Pagsagot sa mga learning modules ay nakapaloob sa blended learning ng mga mag-aaral, na tugon ng Department of Education upang maipagpatuloy ang school year para sa 2020, na lubos na naapektuhan dahil sa pandemya.

Public Domain Image

Nanawagan ang DepEd na makaagapay ang mga magulang sa paggabay sa pagsagot ng mga mag-aaral sa kanilang learning modules, subalit huwag naman daw sagutan ang mga ito.

Source :

Facebook

Loading…