“Ano akala n’yo sa amin”: Nanay ng apat naghayag ng hinaing sa pagtuturo ng module sa mga anak

Image by Donnalyn Agravante via Facebook
  • Nanay na may apat na anak, naghayag ng hinaing sa hirap ng pagtuturo ng module sa mga anak
  • Napakarami raw ng activities at hindi ganoon kadali para ipaintindi sa loob ng oras na ibinibigay
  • Dagdag pa raw dito ang attitude ng mga bata kaya ang ending ay ang nanay ang sumasagot

Bilang pag-iingat sa COVID-19, modular learning ang ipinapatupad na paraan ng pag-aaral sa maraming paaralan sa bansa. Dito, binibigyan ng module ang mga bata, iintindihin nila ang pagpapaliwanag at sasagutin ang mga katanungan. Dahil thru messaging platforms karaniwang nako-contact ang guro, malaki ang responsibilidad ng mga magulang para maging katuwang sa pagtuturo.

Image by Donnalyn Agravante via Facebook

Naglabas ng hinaing ang isang magulang kamakailan dahil sa stress at hirap na nararanasan sa pagtuturo sa apat na anak (Pre-School, Kinder, Grade 2 at Grade 3).

Ani Donnalyn Agravante, napakarami raw ng activities at mahirap ipaintindi sa loob ng oras na ibinibigay, dagdagan pa ng attitude ng mga bata na nag-iiyakan at nagsisigawan kaya ang ending ay nanay na ang sumasagot.

“So magtuturo at magpapaiyakan na lang kami maghapon? Ano akala n’yo sa amin, walang ibang ginagawa sa bahay? Full time mom ako, what more ang may mga trabaho?”

Karagdagan pang hinaing ng nanay ang diumano’y mali-maling answer key kaya’t kailangan niyang balikan ang activity at basahing muli para makatiyak na tama ang itinuturo sa anak. “Naiisip ko paano na ‘yung mga nanay na hindi naman ganoon kataas ang pinag-aralan?”

Pagkukuwento pa niya, may mga kapitbahay siyang halos lahat ay nilalapitan para magturo sa mga anak. Hindi daw nila kayang gawin ang lahat ng trabaho ng guro dahil hindi sila dalubhasa sa ganoong larangan.

Image by Donnalyn Agravante via Facebook

Ini-enrol ni Donanalyn, batay sa post, ang mga anak para hindi sila mapag-iwanan at competent siyang nanay. Hindi naman daw siya mareklamo at iresponsable pero malapit na sigurong sumuko at baka nabaliw na kung mahina ang kapit sa Panginoon.

Alam naman daw niyang obligasyon ng magulang ang turuan ang sariling anak lalo na ngayong may pandemya at itong kanyang post ay sentimyento lamang.

“Hindi porke’t nagrereklamo kami ay hindi kami nagtitiyaga, ginagawa din namin lahat ng kaya namin at hindi porke’t naglalabas kami ng sentimyento ay ini-invalidate namin ang effort ng mga guro, hindi ganon, walang ganon.”

Imahe mula sa DepEd
Source :

Facebook

Loading…