Nas Daily magsasagawa ng charity class para sa mga survivors ng Rolly, Ulysses

Image by Nas Daily via Facebook
  • One-day charity class para sa mga kababayang biktima ng bagyo, isasagawa ni Nas Daily
  • Ani Nas sa Facebook post, “Every single dollar we make from it will go directly to the victims of the flood”
  • Paanyaya niya, hindi lamang matututo ang mga dadalo kundi makatutulong pa sa mga nangangailangan

Nakatakdang magsagawa ng full one-day charity class ang vlogger na si Nuseir Yassin o mas kilala bilang Nas Daily sa kanyang Nas Academy sa November 28, 2020, at bawat dolyares na malilikom mula dito ay maibibigay sa mga nasalanta ng bagyo sa Pilipinas.

Image by Nas Daily via Facebook

Aniya sa isang FB post, “Dear Philippines, I have received many messages regarding the floods. Instead of making a video, I decided to actually do something about it!!!!

“So I opened a Full 1-Day Charity Class on Nas Academy only for the Philippines. Every single dollar we make from it will go directly to the victims of the flood. Everything!”

Paanyaya niya, magiging win-win situation ito sa mga nais sumali sa charity class yamang hindi lamang sila matututo ng panibagong kaalaman kundi makatutulong pa sila sa mga taong nangangailangan.

Nakalakip sa kanyang post ang link (https://nas.academy/course/storytelling) patungo sa $79-worth course ukol sa Story Telling; nakasaad na ito’y “A unique 4 hour class to help you tell better stories!”

Kabilang sa mga makukuha ng mag-a-attend ay ang live scripting exercise with Nas Daily Team, tons of online resources, online certificate of participation, at complete understanding on how to tell stories for the digital world.

Image by Nas Daily via Facebook

Si Nuseir Yassin ay nakilala sa kanyang mga trending Nas Daily videos sa Facebook kung saan pumupunta siya sa iba’t-ibang lugar at ikinukuwento ang mga bagay na kahanga-hanga sa kanyang mga nabibisita sa loob ng isang minutong video.

Nagtapos si Nas sa Harvard University at nakakuha ng trabahong mataas ang suweldo, pero iniwan niya ito kalaunan para i-explore ang mundo at maging vlogger. Nito lamang taon ay binuo niya ang Nas Academy na paaralan para sa mga video creators at Nas Studios na isang video production studio.

Image by Nas Daily via Facebook

Loading…