National Bicycle Day, idineklara ni President Duterte

Imahe mula sa Philippine News Agency
  • Idineklara ng Pangulo na National Bicycle Day ang ika-apat na Sunday ng Nobyembre
  • Ang Proclamation Number 1052 ay pinirmahan noong November 18, 2020
  • Ang DENR ang naatasang manguna sa taunang selebrasyon ng National Bicycle Day

Inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation Number 1052 na nagdedeklarang tuwing ika-apat na Sunday ng Nobyembre ay National Bicycle Day. Ito ay upang makatulong sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran.

Imahe mula sa PCOO

“There is a need to highlight the importance of non-motorized transportation as a means of fostering sustainable development and promoting environmental health that is conducive to the physical health and well-being of all Filipinos,” saad ng proklamasyon.

Ang Proclamation Number 1052 ay nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong November 18, 2020 sa ilalim ng kapangyarihan ni Pangulong Duterte.

Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang naatasang manguna sa observance at celebration ng National Bicycle Day taon-taon. Ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan at ang private sector ay hinihikayat na makilahok at magbigay ng suporta sa DENR.

Samantala, kaugnay pa rin sa bisikleta, nagpahayag si Senator Christopher “Bong” Go ng buong suporta na maipasa ang Senate Bill No. 1582 o ang “Safe Pathways Act.”

Imahe mula sa Cycling Matters

Layon ng panukalang batas na magkaroon ng “networks of pop-up bicycle lanes” at emergency pathways sa mga local roads.

Palagi nang ipinapaalala ng senador sa national at local government units na magtalaga ng mga bike lane upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayang pinili ang paggamit ng bisikleta bilang transportasyon.

Ani Sen. Go, dapat bigyan ng prayoridad ang people-mobility kaysa vehicle mobility.

Imahe mula sa Facebook account ni Kuya Bong Go

“Let us just make sure the lanes are properly assigned with demarcation lines and lighting in place,” aniya.

Pinapurihan din niya ang proklamasyon ni Pangulong Duterte ang deklarasyon ng National Bicycle Day.

“Sa panahon ngayon, kailangan na nating isipin paano makatutulong ang ating lifestyle sa ating kalusugan. Sa pamamagitan ng paggamit ng bisikleta, mabibigyan tayo ng pagkakataong makapag-exercise at, syempre, makatulong sa ating kapaligiran,” anang senador.

Sa kanyang outreach programs para sa mga mamamayang lubos na naapektuhan ng pandemya, mga kalamidad at iba pang krisis, isa ang bisikleta sa mga ipinamamahagi ni Sen. Bong Go upang mabigyan  ang mga ito ng magagamit na transportasyon, lalo na ang mga kailangang pumasok sa kanilang mga trabaho.

Imahe mula sa Mindanao Daily Mirror
Source :

Inquirer, Tribune

Loading…