Pusang nawala ng 3 araw, pagbalik may ‘debt notice’ para sa tatlong kinaing isda

Image by ????????? via Facebook
  • Alagang pusa, nawala sa loob ng tatlong araw
  • Pagbalik ni muning, may “debt notice” na ito para sa tatlong isdang kinain
  • Ibinahagi ng proud cat owner ang pangyayari

Maliban sa aso ay paborito ring alagaan ng marami ang mga pusa, sa katunayan ay mayroon pa ngang mga cat events na isinasagawa kung saan nagpapatalbugan ang mga alaga.

Labis ang kasiyahan ng isang pet owner nang bumalik ang alaga makaraan ang ilang araw na pagkawala. Kaya lamang, may “debt notice” si muning.

Image via Facebook

Nag-viral ang mga larawan ng isang pusa sa Thailand na nawala sa loob ng ilang araw at tiyak na sobra-sobra ang pag-aalala ng kanyang Thai cat parent. Bumalik din naman ito makaraan ang tatlong araw.

Sa larawang ibinahagi sa isang social media page ay makikita ang alaga na nakaupo na malapit na sa tahanan ng may-ari at nang mahawakan ng cat owner ay napansin ang collar nito na may nakasulat, “Tinitingnan ng alaga mong pusa ang mga mackerels sa aking tindahan, kaya’t binigyan ko siya ng tatlo.”

Nagpakilala rin ang mabait na tindera ng isda bilang si “Aunty May at alley no. 2.”

Caption ng proud pet owner sa kanyang post, “Nawala sa loob ng tatlong araw, bumalik na may utang. Ganda, hindi ba?”

Image via Facebook

Habang ipino-post ito ay mayroon nang higit 1,300 reaksyon at nasa 260 pagbabahagi ang post.

Saad ng isa, “My thought is that the shop owner knows how much the cat likes the fish and is advertising to the owner that this is where her shop is so that the owner knows where to get more for both the cat and the owner.”

May nagkomento naman ng, “Salamat po tita, sabi ng pusa.”

Note: Ang mga quoted statements na nakasulat sa wikang Tagalog ay translated mula sa Thai language sa tulong ng Google Translate.

Image via Facebook
Source :

Facebook, News 18

Loading…