NCAA tournaments mapapanood sa Kapuso Network hanggang 2026

Image by NCAA Philippines via Facebook | Logo of GMA Network and NCAA
  • Major sports ng NCAA, mapapanood na sa GMA Network
  • Ito’y makaraan ang partnership agreement sa pagitan ng GMA at NCAA
  • Lumalabas umano sa mga sources na nakatakdang i-reformat ang GMA News TV para gawing sports and entertainment channel

Sa GMA Network na mapapanood ng mga sports fan hanggang 2026 ang mga laro mula sa National Collegiate Athletic Association (NCAA). Ito’y makaraang mapagkasunduan ng pamunuan ng NCAA na ang TV station na ang magiging bagong tahanan nito makaraang hindi mabigyan ng bagong prangkisa ang dati nitong partner na ABS-CBN.

Image by NCAA Philippines via Facebook

Dahil dito, masasaksihan ang mga major sports ng leagues kagaya ng basketball, volleyball, swimming at athletics sa GMA News TV, online streaming platforms sa GMANetwork.com, at via GMA Pinoy TV sa ibang bansa. Sa GMA-7 naman ang airing ng Men’s Basketball Finals ng NCAA.

Pahayag ni GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, “We are excited that GMA Network is the new home of the NCAA. At the same time, we are grateful to the NCAA board for putting their trust in GMA to serve as a platform in showcasing the talented Filipino student athletes.”

Ani naman Fr. Rector Clarence Victor Marquez, OP, Policy Board President of NCAA Season 96, ikinasisiya at ikinararangal nila ang makipag-partner sa GMA at punung-puno sila ng pag-asa at excitement para hubugin ang husay ng mga estudyanteng atleta para maging susunod na mga kampeon at pambansang atleta na siyang magdadala ng glory at honor sa bansa.

Lumalabas sa mga sources, ayon sa Spin.ph, na nakaplanong i-reformat ng Kapuso network ang GMA News TV para gawing sports and entertainment channel.

Image by NCAA Philippines via Facebook

Ang NCAA ang pinaka-unang athletic league sa bansa. Binubuo ito ng mga paaralang Arellano University, Colegio de San Juan de Letran, De La Salle – College of Saint Benilde, La Salle Green Hills, Emilio Aguinaldo College, at Immaculate Conception Academy.

Kasama pa sa NCAA ang Jose Rizal University, Lyceum of the Philippines University, Lyceum of the Philippines University – Cavite, Mapua University, Malayan High School of Science, San Beda University, San Beda University-Rizal, San Sebastian College – Recoletos at University of Perpetual Help System DALTA.

Image by NCAA Philippines via Facebook

Loading…