Netizen ibinahagi ang interpretasyon sa pinag-usapang patalastas ng isang softdrinks

  • “Surrealism” – iyan ang ipinakita sa bagong patalastas ng RC Cola, ayon sa isang netizen
  • Ibinahagi at sinikap na ipinaliwanag ng isang netizen ang interpretasyon niya sa patalastas
  • Aniya, ” It takes courage for a mother to share something she kept inside, but it’s something that can fill in the emptiness of a child that he may also constantly hide”

Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang interpretasyon sa pinag-usapang patalastas ng “RC Cola” na ipinalabas nila sa kanilang mga social media pages.

Makikita sa Facebook post ni “Daniel de la Cruz” ang kaniyang interpretasyon sa naturang patalastas, na nasa kategorya ng “surrealism.” Itinampok din ito sa Facebook page na “Idealogy.” Bukod sa kakatwa at “creepy” nitong estilo, may mas malalim pa umanong pagpapakahulugan sa mga bagay at elementong makikita roon—kagaya na lamang ng apat na basong nasa likod ng bata, at ang bote ng cola na nasa leeg ng nanay.

Image capture mula sa YouTube channel

“RC Cola Philippines’ latest advertisement taught us that — It takes courage for a mother to share something she kept inside, but it’s something that can fill in the emptiness of a child that he may also constantly hide.”

“SUMMARY: The child went home with questions, until he revealed himself with 4 empty glasses unto his back. It was followed by a Mother who took her head off, filled it with ice and poured the said beverage which she may be trying to get rid of. The video ended up with a scene of a father and sister, where they shared the 4 glasses of RC Cola together,” pagbabahagi ng netizen.

“It depicts the emptiness that the child may carry for a long time, and imagine how hard it is for a mother to reveal the truth and share it to give what’s meant for her child. As the glasses were filled, the family was completed and they enjoyed the moment. How RC Cola incorporates, Kapag merong problema, mapag-uusapan kasama ang RC Cola was great.”

Binigyang-interpretasyon din niya ang pag-aalis ng bata sa kaniyang pang-itaas na uniporme, ang reaksyon nito sa pagbuhos ng ice cubes sa kaniyang mga baso sa likuran, at ang pagtatanggal ng scarf o balabal ng ina bago tanggalin ang ulo at ipakita ang bote ng softdrinks na matagal na niyang itinatago sa loob ng leeg.

Image capture mula sa YouTube channel

“Moreover, some details like child taking his clothes off defines naked truth, the ice cubes and his reaction is a chill effect of how talk is going on after his rage, the mother taking her scarf from her neck means putting off conservatism to address it with rigid truth. Other details are self-explanatory from it’s connotative and denotative level.”

“If you find this DISTURBING and WEIRD then it’s definitely FINE, ’cause it’s a success indication for the advertising team to create an organic buzz. Art doesn’t always comfort you. Yay, Surrealism! #RCCola.”

Sa bandang dulo ng post, naglagay siya ng disclaimer na hindi siya affiliated sa advertising team, o maging sa softdrink company.

“These are some points that I was able to come up while analyzing the ad for my reading visual arts. I’m not affiliated to company nor the advertising team itself. I just want to unfold mayhap the interpretation for my friends and wasn’t expecting to pull off this massive audience.”

“Nevertheless, I’m not merely trying to explain, but to appreciate the semantics rather. Again, this is my PERSONAL take for the ad. I hope it’s pretty clear.”

Panoorin ang naturang patalastas via YouTube channel:

Loading…