Netizen ibinahagi ang simpleng kasalan sa panahon ng pandemya

  • May tips ang isang bride sa mga magkasintahang nagnanais nang magpakasal
  • Mas mahalaga raw ang pag-iipon at invesment kaysa gawin itong magarbo
  • Nagpakasal sila nang simple lamang dahil sa pandemya

Sabi nga, ang tunay na pagmamahalan ay hindi mapipigilan; harangan man ito ng sibat. Tamaan man ng kalamidad ang bansa sa pamamagitan ng pagyanig, pagputok ng bulkan, pagbagyo o kahit pandemya, hinding-hindi mapipigilan ang mga taong nagnanais na magsama sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya.

Kagaya na lamang ng isang netizen na nagngangalang “Cherry” kung saan ibinahagi niya sa Facebook post ang kaniyang mga karanasan at realisasyon sa kaniyang pagpapakasal sa kasintahang si “FJ” na tinawag niyang “Not Your Typical Dream Wedding.”

Imahe mula sa Facebook account ni Cherry Abellanosa / Public Domain Image

“We had our ‘SECRET’/intimate wedding last September 25, 2020. No one knows except our parents. People close to me might get surprised. (Feeling kasi nila ‘pag ako ikakasal, super bongga and sosyal),” panimulang pahayag sa kaniyang post.

“But the practical side of me would always say ‘Let’s save and invest our money. After all, wedding isn’t about pleasing other people. It’s a celebration of love and couple’s union. And no matter how grand your wedding is, there will always be negative comments from dissatisfied guests.”

Kuwento niya, walo lamang daw ang inanyayahan nilang panauhin sa kanilang simpleng kasalan: ang kani-kanilang mga magulang, mga kapatid, at ang make-up artist na naging saksi. Hindi na rin siya nagpatahi ng magarbong trahe de boda. Ang kaniyang wedding dress ay binili lamang umano sa ukay-ukay. Wala ring official photographer.

“We want to act genuine the entire duration. Nakaka-conscious kasi ‘pag may cameras around you. We thought of postponing our wedding, but the “sigurista” part of FJ (mister niya) wanted to marry me na (baka daw kasi maagaw pa). Our celebration might be simple but God’s provision made it beautiful. It was an intimate and heartfelt union.”

Public Domain Image

Kaya naman may “unsolicited advice” siya sa mga magsing-irog na nagbabalak na ring ituloy ang kasalan sa kabila ng pandemya.

“To everyone who’s planning to tie a knot, here’s a piece of unsolicited advice from us: What the society dictates should not matter on how you want to spend the most important day in your life. It’s all about you and your commitment to each other that matters,” aniya.

Dagdag pa niya, “If you want to splurge in your once-in-a-lifetime wedding, go ahead. If you want to save and invest your money instead, do it.”

Congratulations, Mr. and Mrs. Parcon!

Source :

Facebook

Loading…