Netizen ibinida ang pagpapa-picture sa mga estatwa

  • Ikinatuwa ng mga netizens ang isang post
  • Ipinakikita rito ang mga taong mahilig mag-selfie sa mga estatwa
  • Marami ang nagbahagi ng kanilang karanasan

Isa ka rin ba sa mga taong mahilig mag-selfie sa tabi ng mga estatwa o rebulto?

Iyan ang ibinida sa Facebook post ng isang netizen na nagngangalang “Buffy Threader” kung saan makikita ang mga larawan ng iba’t ibang mga taong nagpapaselfie sa rebulto o estatwa.

Imahe mula sa Facebook account ni Buffy Threader

“A tribute to people who know how to pose with Sculptures! Tawa ka please,” ayon sa kaniyang caption.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ay oo naman. Yung anak ko, kapag kakain kami sa Jollibee o kaya sa McDonald’s, talagang hindi kami aalis doon hangga’t wala kaming picture, o wala siyang picture sa mga estatwa nila sa labas,” kuwento ng isa.

Turan naman ng isa, “Naku, yung lola ko nga eh, lahat na yata ng santo at santa sa simbahan eh napag-selfiehan na…”

“Yes nakakatuwa naman magpa-picture talaga sa mga estatwa o rebulto. At least sila, hindi suplado o suplada, hindi kagaya sa ibang mga feeling sikat na celebrities na nakilala ko,” pahayag naman ng isa.

Sadyang mahilig sa pagse-selfie ang mga Pilipino, kasama man ang mga tunay na tao, sa magagandang lugar, kailkasan, hayop, o maging sa mga rebulto. May mga naiiba ring kuwento ng pag-ibig ang nabuo rito. Kagaya na lamang ng ibinahagi ng isa pang netizen na nagngangalang “Jona.” Nakilala raw niya ang kaniyang asawa dahil dito.

“Hirap na hirap ako mag-selfie noon sa isang statue. Tapos, naglakas-loob na lang talaga akong tawagin siya at pakisuyuan siya na kuhanan ako ng picture. Sobrang naabala ko na siya. Tapos, kinuha niya ang contact number ko, iyon na lang daw ang kabayaran. Binigay ko naman. And the rest is history,” salaysay niya.

ICLICK ang Imahe para makitalahat ng larawan sa Facebook “/ Buffy Threader

Ikaw, mahilig ka rin bang mag-selfie sa mga estatwa o rebulto?

Source :

Facebook

Loading…