Netizen nagpasalamat sa mga lineman na nagsikap maibalik ang kuryente

Imahe mula sa Facebook | Anna Manalo-dela Paz
  • Isang netizen ang nagbahagi ng appreciation post para sa mga lineman na ginawa ang lahat upang maibalik ang kuryente sa ilang mga lugar na sinalanta ni Ulysses
  • Aniya, hindi nila inaasahan na agad maibabalik ang kanilang kuryente kaya laking gulat nila nang may kumatok sa kanila mula sa Meralco ala una ng madaling araw
  • Laking pasasalamat niya sa mga ito dahil sa kanilang pagsasakripisyo upang magbigay serbisyo

Kasabay ng pananalasa ng Bagyong Ulysses sa ilang bahagi ng Luzon ay ang pagkaputol din ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Imahe mula sa Facebook | Anna Manalo-dela Paz

Unang iniulat ng Meralco na umabot sa 3.8 milyon ang nakaranas ng pagkawala ng kuryente. Ngunit ipinangako rin ng kanilang tagapagsalitang si Joe Zaldarriaga sa isang radio interview na ginagawa na nila ang lahat upang maibalik ang suplay ng kuryente.

Humingi rin siya ng pang-unawa lalo na sa mga consumer na nakatira sa lugar na lubog sa tubig.

May mga nagrereklamo man sa social media ay marami pa rin ang nakauunawa na hindi kaagad maibabalik ang kuryente lalo na kung malakas pa ang ihip ng hangin. Kabilang na rito ang netizen na si Anna dela Paz.

Imahe mula sa Facebook | Anna Manalo-dela Paz

Kuwento niya sa isang social media post, ala una ng Biyernes nang marinig nilang may kumakatok sa kanilang gate. “To be honest, we were not expecting our electricity to be fixed at this time of the night knowing that many were affected by the storm. But here they are at 1 in the morning,” sabi ni dela Paz.

Tiyak daw na marami pang mga lugar ang pupuntahan ng mga lineman kaya kakayod sila sa buong magdamag.

“Thank you to these amazing and brave men who make sure we have lights in our houses. They have a very dangerous job and I salute them for being so responsible and dedicated. I pray for your safety po. Salamat po nang maraming marami,” sabi niya pa.

Saludo sa mga lineman!

Source :

Facebook, PNA

Loading…