“Never stop learning”: Neri Naig proud na nakapagtapos sa online program ng Harvard

Image by Neri Miranda via Instagram
  • Neri Naig ipinagmalaki ang sertipikasyon mula online program ng Harvard Business School
  • Neri: “Never stop learning. Kapag gusto, gagawa talaga tayo ng paraan”
  • Saad pa ng actress at businesswoman, sulit ang lahat ng pagpupuyat na isinakripisyo niya para rito

Ipinagmalaki ni Filipina actress at businesswoman Neri Naig ang sertipikasyon na natanggap para sa natapos na Entrepreneurship Essentials, isang online program mula Harvard Business School. Aniya, sulit ang lahat ng puyat na isinakripisyo niya para rito.

Image by Neri Miranda via Instagram

“Sulit lahat ng puyat! Never stop learning. Kapag gusto, gagawa talaga tayo ng paraan,” ang mababasa sa post ni Neri sa Instagram kung saan nakalakip ang selfie niya kasama ang kopya ng sertipikasyon.

Nagbahagi pa siya ng quote mula kay AJ Agrawal, ang chief executive officer ng Alumnify: “The best entrepreneurs in the world don’t act like they know everything. They all understand the fact that they have to continuously learn to be successful.

“For us to live to the fullest, we must continually look for ways to improve. When we are looking to learn as much as possible, there’s less of a chance that we will come off as arrogant. True charmers don’t make themselves look smart, they make others look smart.”

Agosto ngayong taon nang magpadala ang aktres ng aplikasyon para makasama sa short course ng Harvard. Pahayag nito, “Walang excuses dapat. Paano ko malalaman kung para sa akin kung hindi ko susubukan, [‘di] ba?”

Image by Neri Miranda via Instagram

Bahagi ng Star Circle Quest si Neri kung saan siya ang nagwaging 6th runner-up. Nakasama siya sa ilang palabas sa ABS-CBN kagaya ng Mula Sa Puso, The Legal Wife, Dream Dad, Wako Wako at All Of Me.

Kasal siya kay Parokya Ni Edgar frontman Chito Miranda mula pa noong 2014 at mayroon silang isang anak. Proud na proud naman ang mang-aawit sa mga achievements ng kanyang misis.

Image by Neri Miranda via Instagram

Loading…