No fail policy? University of the Philippines hindi mambabagsak ng mga mag-aaral

  • Walang makakukuha ng 4 or 5 sa mga mag-aaral ng UP
  • Bawal mambagsak dahil sa no fail policy
  • Sinang-ayunan na umano ito ng UP Board of Regent

Hindi mambabagsak ang University of the Philippines sa kanilang mga mag-aaral, batay sa pahayag ng Office of the Student Regent sa kanilang Twitter post nitong Nobyembre 26, 2020.

“UP to implement a no fail policy this semester where a grade of ‘4’ or ‘5’ shall not be given. OVPAA to release guidelines soon. #PassAllUP #EndTheSemUP #WalangIwananUP,” ayon sa Twitter post.

Imahe mula sa Twitter post ng UP Office of the Student Regent

“This is an initial victory for the UP student body as we continuously fight for the most inclusive and compassionate solutions for our education! UP, pakinggan ang UP community!” saad naman ng UP Office of the Student Regent sa isa pang Twitter post.

Saad ni Commission on Higher Education o CHED Chairperson Prospero de Vera III, inaprubahan ng UP Board of Regents (BOR), ang naturang polisiya para sa mga Isko at Iska ng Bayan, na naghihirap naman dahil na rin sa distance learning.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“That’s good news lalo na sa mga nasalanta ng bagyo at lalo na sa mga financially-challenged na students na nagsusumikap pa rin kahit nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic. Dagdag mo pa ang mga gusot sa online learning. Well, good luck sa lahat!” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “Hope it’s the same in all universities, colleges, and basic education. Pati sana sa public and private schools considering our present situation like typhoon, pandemic, lost of job, and some did not receive any help from the government even if they are suppose so.”

Public Domain Image

“Wahaha comedy… instead of creating/looking for an idea to make this semester useful and helpful to their student, the school admin is just pushing the government to call for academic freeze,” pahayag naman ng isa.

Marami sa mga mag-aaral, guro at samahan sa UP ang nanawagan sa administrasyon na tapusin na kaagad ang semestre dahil na rin sa ilang mga problemang kanugnog ng distance learning.

Loading…