No need to panic: RFID installation lane sa mga expressways mananatili kahit lampas na sa December 1

Imahe mula sa NLEX
  • RFID installation tuluy-tuloy pa rin kahit magsimula na ang cashless toll collection scheme sa December 1
  • Nilinaw ng DOTr na mayroong RFID lane kung saan pwedeng magpa-install ng RDIF sticker ang mga motorista
  • Ang December 1 deadline ay hudyat lang ng pagsisimula ng cashless transactions sa mga tollways at hindi katapusan ng RFID installation

Napakaraming mga motorista ang nagkukumahog upang umabot sa deadline ng pagsisimula ng cashless toll collection scheme sa mga expressways simula sa December 1 ngayong taon kaya naman gumugugol sila ng maraming oras para pumila sa pagpapakabit ng Radio Frequency Identification (RFID) stickers.

Screenshot mula sa PTV video

Simula kasi sa December 1 ay pagmumultahin na ang mga motoristang papasok sa mga expressway nang walang RFID sticker na nakakabit sa kanilang behikulo.

Nilinaw naman ng Department of Transportation (DOTr) na kahit lampas na ang December 1 ay tuluy-tuloy pa rin naman ang installation ng RFID stickers, lalo na para sa mga first timer na dadaan ng expressway.

“Beyond December 1, may RFID stickering lane pa rin na padadaanan sa mga motorista na wala pang sticker. Doon sila dapat na dumaan. Meron ding installation site bago mag-toll road na pwede n’yang pag-installan,” paglilinaw ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran.

Aniya, ang December 1 deadline ay hudyat lang ng pagsisimula ng cashless transactions sa mga tollways kaya walang dapat ipag-alala ang mga may-ari ng sasakyan.

Screenshot mula sa PTV video

“If you are a vehicle owner and a frequent road user, you should keep in mind that the December 1 deadline only marks the start of cashless transactions at the tollways, but does not mean the end of RFID sticker installations. There is no need to panic,” ani Asec. Libiran

Nilinaw din niya na ang mga motoristang walang RFID sticker ay pagmumultahin lang kapag pumasok siya o dumaan sa RFID ONLY lane.

 

Source :

PNA, Tribune

Loading…