No Oven? No Problem! Ginawa rin ba ninyong lutuan ang lata ng biscuit?

  • Nagdulot ng nostalgia ang mga larawan sa isang Facebook page
  • Makikita rito ang paggamit ng ‘improvised oven”
  • Ito ang mga lata ng biscuit na madalas ay ginagawang pasalubong sa probinsiya

Likas na mapamaraan ang mga Pilipino. At isa sa mga nagagawan ng paraan ng mga Pinoy ang iba’t ibang paraan ng pagluluto. Walang gaas? No problemo. Kumuha ka lamang ng mga panggatong o uling, magparikit ng apoy, at maaari ka nang makapagluto. Walang microwave oven? Puwes, maaaring gamitin ang lata ng biscuit.

Iyan ang binalikan sa Facebook page na “Batang Pinoy – Ngayon at Noon” kung saan makikita ang mga larawan ng lata ng biscuit na ginawang “improvised microwave oven” na kadalasang ginagawa noon.

Imahe mula sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon

“Walang oven? No problem! Iyan ang batang Pinoy, kayang gawan ng paraan, lata ng biscuit solve na,” ayon sa caption ng post. Makikita sa mga larawan na inilagay ang pagkain sa loob ng lata ng biscuit na ginawang oven. Sa ilalim ng lata ay may apoy o uling. Maaari na ritong makapag-bake ng tinapay!

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Iyan ang tunay na Pinoy, madiskarte! So creative! Galing-galing talaga natin,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Iyan ang ipinampapasalubong namin kapag umuuwi kami sa probinsiya noong araw. Alam kasi namin na mapapakinabangan nila iyan, lalo na yung lutuan. Kung hindi man gawing oven, puwedeng paglagyan ng bigas, mais, o iba pang mga ani. Those were the days!”

“Iyan ang lutuan namin kapag gagawa kami ng bibingka sa probinsiya,” wika ng isa.

Saad naman ng isa, “Iyan ang pasalubong ng asawa ko, bagong panganak ako sa Maynila, siya nagwowork sa terminal ng bus sa Pasay. Laging ganiyan ang binibili namin para magamit at mapakinabangan pa rin ng mga taga-probinsiya.

Imahe mula sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon

Tiyakin lamang na maayos at ligtas pa rin ang paggamit nito dahil maaari itong makapaso o makapagdulot ng aksidente sa mga gagamit.

Ikaw, nasubukan mo na bang gumamit nito?

Source :

Facebook

Loading…