Not one: Dennis Trillo tatlo ang asawa sa upcoming soap na Legal Wives

Image by GMA News website
  • Asawa ni Dennis Trillo sa upcoming show na Legal Wives ay tatlo
  • Tumatalakay kasi ang programa sa kulturang Muslim
  • Magkakalayo ang edad ng mga asawa ni Dennis sa soap kaya dito mabubuo ang conflict

Hindi lamang iisa kundi tatlo ang asawa ng Drama King na si Dennis Trillo sa upcoming soap na Legal Wives. Tumatalakay kasi ang serye sa buhay ng mga Muslim, at ang papel ni Dennis na si Ishmael ay nanggaling sa lahi ng mga Maranaw.

Image by GMA Pinoy TV via Twitter

Kuwento nito ang lalaking magpapakasal sa tatlong babae na sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres) at Farrah (Bianca Umali). Pakakasalan ni Ishmael ang mga ito dahil sa iba’t-ibang dahilan: obligasyon sa pamilya, tunay na pag-ibig at pagtulong para iligtas ang anak ng kaibigan.

Dahil magkakaiba ang edad ng mga asawa, dito na papasok ang mga pagsubok sa buhay nila at kung paano ang estratehiyang gagawin ni Ishmael para maging payapa ang kanilang buhay; maging ang mga sakripisyo para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Kasama rin nila sa serye sina Cherie Gil at Al Tantay na gaganap na mga magulang ni Ishmael. Naroon din sina Shayne Sava, Abdul Raman, Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar De Mesa, Juan Rodrigo at Irma Adlawan.

Kaabang-abang man, nasabi ni Gorgy Rula sa PEP na maselan ang tema ng serye at kinakailangan ng masusing research dahil baka mag-react ang mga Muslim.

Sinegundahan ito ni Noel Ferrer at sinabing kailangan nga ng ibayong research para mas accurate at faithful sa kulturang Muslim ang palabas. Dagdag niya, maganda umano ang Legal Wives dahil may panibagong malalaman ang publiko sa dynamics ng Muslim relationships.

Image by GMA News website

Umani ng komento mula sa netizens ang tema ng serye, at mababasa ang ilan sa comment section ng Fashion Pulis. Saad ng isa, “May mga Muslim na Pinoy and it will showcase their culture/tradition. ‘Di ‘yung puro terorista lang ang peg. Culture appropriation is when you use it for aesthetics. Eh dito, they will tell a story.”

Komento ng iba, “Legal nga. Ang kulit. Walang kabit d’yan. Kultura at sunnah sa mga kapatid nating Muslim ang mag-asawa hanggang apat at legal iyon.”

Image by GMA Pinoy TV via Twitter

Loading…