OFWs na pinauwi dahil sa pandemya makatatanggap ng P10-K mula sa gobyerno – DOLE

Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Makatatanggap ang mga pinauwing OFW ng P10,000 cash assistance mula sa gobyerno
  • Dapat daw ay kaagad ibinibigay ito sa mga OFWs oras na dumating na sila sa bansa
  • Nakapamahagi na ng P3.5-B ang gobyerno sa ilalim ng Bayanihan 1 para sa 350,000 displaced OFWs

Makatatanggap ng P10,000 ang bawat overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho at napauwi sa Pilipinas dahil sa umiiral na COVID-19 pandemic.

Ito ang muling tiniyak ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III nitong Miyerkules. Ayon sa kalihim dapat ay ibigay na agad sa mga OFWs ang nasabing halaga oras na dumating sila sa bansa.

Sa ganitong paraan umano ay maiiwasan pang tumagal ang tulong na ipinangako sa kanila ng gobyerno ngayong may krisis sa coronavirus.

Image by Department of Labor and Employment – DOLE via Facebook

“Once they arrive, the financial assistance given by the President for them should be ready. When they arrive at the airport, give them the assistance. Let us not wait for them to apply since we know they are OFWs,” ayon kay Bello sa isang online press briefing.

Sa kasalukuyan, kailangan pang mag-apply ang mga OFWs at magpasa ng requirements at dapat pang hintayin kung kailan marerelease ang cash assistance.

“Why do we have to wait for the OFWs to apply? We know they were displaced because of COVID-19 and therefore they deserve the financial assistance,” giit ng kalihim.

Imahe mula sa PNA

Pinag-uusapan na umano nila ang nabanggit ng isyu kasama ang iba pang labor officials.

Umabot na sa 237,363 ang bilang ng mga OFWs na repatriated mula sa ibang bansa simula nang ideklara ng pandemya sa COVID-19 ayon sa talaan ng Department of Foreign Affairs (DFA), habang nasa 107,000 Pinoy pa ang inaasaahang mapapauwi bago matapos ang taon.

Sa ilalim ng Bayaniha 1, makatatanggap ang mga displaced OFWs ng one-time cash assistance na P10,000.

Ayon kay Bello, nakapamahagi na ang DOLE ng P3.5-B sa humigit-kumulang na 350,000 OFWs sa ilalim ng programang Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP), habang muling naglaan ang gobyerno ng karagdagang P3-B sa ilalim ng Bayaniha 2 para dito.

Loading…