Online buyer may pa-backdrop pa at pa-pictorial bilang proof of delivery

  • Kinaaliwan ang isang online buyer
  • Mistulang pictorial at may backdrop pa kasi ang kaniyang proof of delivery
  • Ito raw ay pagtanggap sa hamon ng “Babaeng Marangal Challenge”

Lalong naging popular sa mga netizens ang online shopping dahil sa convenience na dulot nito sa panahon ng pandemya. Bagama’t kapaki-pakinabang ang mga ito, hindi pa rin naiiwasang may ilang mga mapagsamantalang tao sa paligid. Bilang solusyon, kinakailangang magkaroon ng proof of delivery ang mga riders.

Iba-iba ang naging gimik ng ilang mga online buyers sa paggawa nito. Talagang tumodo posing sila na tila ba nasa pictorial. Hindi naman papatalo rito ang netizen na si “Joyceeh Hernandez Epino” matapos niyang ibahagi sa kaniyang Facebook post ang paraan niya ng pagpapakuha ng proof of delivery. Mistula na itong isang pictorial, at may backdrop pa!

Imahe mula sa Facebook account ni Joyceeh Hernandez Epino

“Kunwari may rationale sa likod ng kalokohang ito. Una: Upang maibalik ang kumpyansa ko sa aking sarili. Nafrustrate kasi ako dahil ilang beses na bigla na lang nagsisisigaw si Kuya ng ‘Delivery para kay Joyceeh Epino!’ Eh wala pa kong bra. Nagtatapis lang ako lagi ng tuwalya. Walang kadigni-dignidad. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na paghahandaan ko si Kuya,” paliwanag niya.

“Ikalawa: Upang tugunan ang hamon ni Chamz Cayabyab-Zulueta na kabugin ang Babaeng Marangal Challenge. Huwag ninyo akong china-challenge, bukod sa competitive ako, mapagpatola ako. Tutal ang Pilipinas ay isang malaking kompetisyon.”

“Ikatlo: Upang patunayan na hindi lahat ng taga-UP ay NPA. Yung iba nag-MOWDEL!” kabuuan ng kaniyang post. Hindi naman niya nakalimutang pasalamatan ang mga taong nasa likod ng kaniyang pictorial.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Pakabog si Ate! Talagang hindi papatalo, hahaha. Go girl! Gawin mo lang kung ano ang makapagpapasaya sa iyo,” sabi ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Joyceeh Hernandez Epino

Turan naman ng isa, “Ate, sa susunod dapat may pa-blower or electric fan effect. Para humahangin-hangin yung buhok. Winner ka talaga!”

“Grabe influencer ka na! Nag-viral na pala post mo. Ang daming shares and likes! Di ko kinaya! Congrats!” pagbati naman ng isa.

Ikaw, kaya mo ba iyan?

Loading…