Osang inaming binago ng pera ang ugali: “Naging Diyos ko, pera!”

Screenshot mula sa YT video ni Roldan Castro
  • Ibinahagi ni Osang ang naging buhay niya noong kasikatan pa sa pelikula
  • Nakalimutan niya umano ang nasa itaas at pera ang naging Diyos niya
  • Sinusubukan naman niya ngayon na itama ang kaniyang mga nagawang pagkakamali

Inamin ng dating sexy actress na si Rosanna Roces na nabago ng pera ang kaniyang ugali at dumating siya sa punto na ang salapi na ang kaniyang Diyos.

Sa presscon ng pelikulang ‘Anak ng Macho Dancer’, kung saan isa siya sa mga beteranong artista na itinatampok dito, ibinahagi ni Osang ang kaniyang karanasan noong kasikatan pa niya at marami pa siyang pera.

Screenshot mula sa YT video ni Roldan Castro

Ani Osang, naging masama daw talaga ang ugali niya noon at ang talagang pinagsisihan niya ay ang noong wala siyang Diyos kung hindi ang pera.

“Maiiba ka talaga ng pera. Saka ang pinakaayaw kong ugali ko noon, wala akong Diyos. ‘Di ako nagpapasalamat sa Diyos. Nakakahiya!” bahagi ng tinaguriang ‘TF Queen’ ng dekada 90.

Nakalimutan na raw din niyang magdasal at bagama’t nagpapasalamat siya sa mga nagbabayad sa kaniyang trabaho noon, hindi niya nakuhang magpasalamat sa itaas.

Rosanna Roces, 1990s| Imahe mula sa The Wolrd News

“Naging Diyos ko, pera! Pangit na ugali,” ayon pa kay Osang na may halong pagsisisi.

Inamin din ni Osang na marami siyang nakaaway noon at punong-puno ng galit ang akniyang buhay dahil pakiramdam niya raw ay lagi siyang inaapi.

Naranasan niya rin umano na iwanan ng mga kaibigan at maging ng sariling kamag-anak ‘nung mawalan siya ng pera kaya nagkaroon siya ng ‘trust issue’ na nagdulot ng malaking epekto sa kaniya.

Sa ngayon, sinusubukan niya umanong itama ang mga nagawa niyang pagkakamali noon. Marami raw kasi siyang pinasakit ng ulo ‘nun lalo na ang production team na minsan ay nagpapack-up dahil sa kaniya.

Screenshot mula sa YT video ni Roldan Castro

“Pero kasi ngayon, ang uso kasi ngayon pinakamagaang katrabaho ‘yon ang kukunin. Hindi na uso ‘yung pagalingan na din, eh, ang daming magaling, eh. Kung sino ang pinakamagaang katrabaho, ‘yon ang kinukuha. Hindi ka na puwedeng magloka-lokahan ngayon,” ayon pa sa beteranang aktres.

Makakasama ni Osang sa ‘Anak ng Macho Dancer” sina Alan Paule, Jay Manalo, Emilio Garcia, at mga baguhang sina Sean de Guzman, Charles Nathan, Ricky Gumera at David Lucas. Ito ay mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Panoorin ang bahagi ng panayam kay Osang:

Loading…