P-pop group na “Bini” nagpasiklab; pinuri ng mga netizens

  • Ipinakilala na ang bagong all-female group ng Star Hunt Academy ng ABS-CBN
  • Ito ay ang “Bini”
  • Nagpakitang-gilas sila sa It’s Showtime

Mainit na tinanggap ng mga netizens at mga tagapanood ang bagong Pinoy Pop o “P-Pop” group na “Bini” mula sa pagsasanay ng Star Hunt Academy ng ABS-CBN, kung saan ipinamalas nila ang pulido at sabay-sabay na “moves and grooves” matapos nilang itanghal ang pre-debut single na “Da Coconut Nut” sa “It’s Showtime” noong Sabado, Nobyembre 21, 2020.

Ang bagong all-female group na ito ay binubuo ng walong kadalagahan na pawang mahuhusay kumanta at sumayaw, at syempre, charming. Ang pangalan ng kanilang grupo ay mula sa pinaikling “Binibini,” o katumbas ng “Miss” sa wikang Ingles.

Image capture mula sa YouTube channel

“BINI is composed of Aiah (19), Colet (18), Maloi (18), Gwen (17), Stacey (17), Mikha (16), Jhoanna (16), and Sheena (16) — described by Star Hunt Academy as the embodiment of the modern Filipina: sweet, fierce, independent, and informed,” ayon sa ABS-CBN.

Bago ipakita at ipakilala sa publiko, tiniyak muna ng ABS-CBN na sumalang at sumabak sa matinding training o pagsasanay ang mga kasapi nito, kagaya rin ng katumbas nitong all-male group na “Star Hunt Trainees” na nauna nang nagpakilig at umani ng positibong reaksyon at feedback.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.

“First time I saw a very cohesive Filipino girl group. Walang nananapaw, almost the same physique, cute girls, synchronized dance moves! I hope Filipinos give them a chance!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Philippine Talent Agencies should do more like this. Train their artist first, of course in the field of dancing and singing, more importantly on having a good character. Kudos to these new P-Pop GG !!”

“I’m not a fan but I simply like the performance. From the music style to the choreography and very pleasing presence. These Pinays are raising the standards and deserve my stars,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Ang inawit nilang “Da Coconut Nut” ay inawit ng Smokey Mountain at isinulat ng National Artist for Music  na si Maestro Ryan Cayabyab.

Panoorin ang naging performance ng Bini at ikaw ang humusga via Facebook:

Loading…