Paalala ni Nadine Lustre sa mga walang pakialam sa kaganapan sa paligid: Check your privilege

Imahe mula sa Instagram | Nadine Lustre
  • Pinaalalahanan ng aktres na si Nadine Lustre ang mga Pilipino na huwag gamitin ang ‘Filipino resiliency’ tuwing may sasapit na kalamidad
  • Labis din daw siyang nag-aalala para sa mga kababayang nasalanta ng sunud-sunod na bagyo
  • May mensahe rin siya para sa mga hindi direktang apektado ng mga bagyo kaya walang pakialam sa nangyayari sa kanilang paligid

May mensahe ang aktres na si Nadine Lustre para sa mga Pilipino na walang pakialam sa mga nangyayaring kalamidad sa bansa dahil hindi sila direktang naapektuhan nito.

Imahe mula sa Instagram | Nadine Lustre

“Our country has been through so much issues — calamity, pandemic, economy, job losses — and it upsets me so much when people pull out ‘Filipino resiliency’ as a quick fix,” sabi ni Nadine sa isang Instagram post.

Bagama’t ang katangiang ito ng mga Pilipino ay maipagmamalaki, hindi raw ito dapat gamiting dahilan upang itago ang tunay na problemang kinakaharap.

“I feel for our brothers and sisters who are gravely affected by everything that is happening. Our country deserves so much better than this,” pahayag ng Kapamilya actress.

Imahe mula sa Facebook | PCG

Bukod sa kinahaharap na pandemya ay sunud-sunod na hinagupit ng bagy0 ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Hindi pa man tuluyang nakababangon mula sa epekto ng Bagyong Quinta ang mga taga Bicol noong Oktubre ay muli silang binayo ng supertyph0on Rolly.

Bagama’t ayon sa mga awtoridad ay naging sapat ang paghahanda ng bansa para sa pagdating ng Bagyong Ulysses ay malaking bahagi ng Luzon, kabilang na ang National Capital Region, ang nakaranas ng matinding epekto nito.

Kinumpara rin ito ng marami sa Bagy0ng Ondoy na nanalasa at nagpalubog sa maraming tahanan noong taong 2009.

“Now, if you are scrolling on your phone and seeing all the heartbreaking news but really dgaf because you are not so much affected by all that stuff, please check your privilege,” sabi ni Nadine.

Source :

Instagram

Loading…