Pabebe Girl nag-guest sa Bawal Judgmental segment ng ‘Eat Bulaga’

Imahe mula sa YouTube
  • Nag-guest sa Eat Bulaga si Michelle Alfonso na nakilala noon bilang ‘Pabebe Girl’
  • Naging trending ang kaniyang video kasama ang kaibigan kung saan nagpapanggap sila na mayroong kaaway
  • Nakatanggap siya noon ng matinding bashing hindi lamang dahil sa mga sinabi kundi maging dahil sa kaniyang manipis na kilay

Naaalala n’yo pa ba ang trending na video noon ng dalawang dalagita na nagpakilala bilang Pabebe Girls?

Imahe mula sa YouTube

Limang taon matapos na maging “talk of the town” ang video na iyon ay muling nakita ng netizens ang isa sa dalawang babae na nasa video matapos siyang maimbitahan bilang isa sa choices sa “Bawal Judgmental” segment ng noon-time show na Eat Bulaga.

Kuwento ni Michelle Alfonso na 16 anyos na ngayon, nakaranas siya noon ng matinding pangba-bash hindi lamang dahil sa mga salitang kaniyang binitawan ngunit maging dahil sa manipis niyang kilay.

“[Sabi nila] wala akong kilay. Dino-drawingan po nila ‘yong kilay ko,” sabi niya. Nang kuhanan ang video ay 11 years old pa lamang siya.

Imahe mula sa YouTube | Eat Bulaga

Ibinahagi ni Michelle sa isang panayam sa Pep na hanggang ngayon ay manipis ang kaniyang kilay ngunit natuto na siyang tanggapin ito. “Manipis pa rin po ang kilay ko pero hindi na ako affected ng mga bashing. Normal na lang po sa akin,” sabi niya.

Naranasan niya rin daw na ma-bully sa paaralan ngunit kalaunan ay naging kaibigan niya rin ang mga madalas na mang-asar sa kaniya. Dagdag niya pa, marami siyang naging kaibigan dahil sa video na iyon.

Inamin din niya na kung magkakaroon ng pagkakataon ay hindi siya magdadalawang-isip na pasukin ang pag-aartista. “Masaya ako habang pinanonood ko ang sarili ko sa ‘Bawal Judgmental’ dahil ngayon na lang ulit ako lumabas sa TV,” sabi ni Michelle sa Pep. Nais niya raw maging isang Kapuso balang araw.

Plano niya rin daw na magsimula ng sariling YouTube channel.

Panoorin dito ang trending video ng Pabebe Girls:

Source :

YouTube, PEP, YouTube

Loading…