Paborito mo rin ba ang kending walang balot?

  • Nagdulot ng nostalgia ang isang larawan
  • Ito ang kending walang balot na itinitinda nang tingian
  • All-favorite daw ito ng mga bata noon

Isa sa mga paboritong pagkain ng mga bata, at maging ng mga “feeling bata,” ang kendi. Kahit na sabihing kakapiranggot lamang iyan, pantawid-gutom din. At kung napag-uusapan ang kendi, isa sa mga naaalala ng mga netizens ang “kending walang balot” o candy wrapper na itinitinda sa mga suking tindahan.

Iyan ang pinag-usapan sa Facebook page na “Batang Pinoy-Ngayon at Noon” matapos ibahagi dito ang isang meme patungkol sa “all-time favorite” na kending hindi na nilalagyan pa ng balot. Nagpanumbalik ito sa gunita ng mga netizens na laging bumibili nito sa tindahan noong kamusmusan nila.

Imahe mula sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon

“Iyong nakalagay sa garapon sa tindahan ni Manang. Nabili ka rin ba nito noon?” nakasaad sa caption ng post.

Marami naman sa mga netizens ang nag-iwan ng kanilang komento at reaksyon hinggil dito. Ang iba, nagkuwento pa ng kanilang karanasan.

“Yes, iyan ang all-time favorite ko talaga. Naabutan ko nga iyan, 25 centavos limang piraso na, kapag tinatagulubay kami o yung pantal-pantal sa katawan ‘yan kinekendi namin gawa ng may asukal,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Yung nasa malaking garapon nakalagay ‘yang mga ‘yan. Tapos ‘pag may bibili, pipili ng mga kulay. Best seller sa amin yung grape flavor.”

“Oo sa sobrang kamusmusan, bibili ka tapos itong tindera pagharap sa’yo nanghihimuta sabay sabi ano yong bibilhin mo iho hehe tapos sinabi mong yan na candy sabay hugot sa loob ng lalagyan hehehe,” kuwento naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Peyborit ko ‘yan… piso lang may apat ka ng kendi tapos mamimili ka pa kung anong kulay… simpleng pagkain pero tuwang-tuwa na kami noon. Nakakamiss…”

Public Domain Image

Ang kending ito ay sadyang walang balot o candy wrapper, at kadalasang nakasilid lamang sa loob ng malaking garapon. Ang pagkain ng kendi ay nakatutulong lalo na kapag nagugutom. Huwag lamang kalilimutang magsepilyo upang hindi masira ang ngipin.

Na-miss mo rin ba?

Loading…