Padre de pamilya, araw-araw bumabalik sa lugar kung saan huling nakita ang asawa’t anak noong bagyong Rolly

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Patuloy na umaasa ang isang padre de pamilya na makikita pa niyang muli ang asawa’t anak na tinangay ng baha sa Guinobatan, Albay
  • Araw-araw ay binabalikan ni Salvador Manrique ang lugar kung saan sila nagkahiwa-hiwalay
  • Isa sa mga anak ni Salvador ang ‘di nakaligtas sa rumaragasang baha na may mga kasamang bato

Maraming residente ng Guinobatan, Albay ang patuloy na hinahanap matapos mawala sa kasagsagan ng super typhoon Rolly

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Mabilis namang umaaksyon ang Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa bawat impormasyong natatanggap tungkol sa mga lugar na posibleng kinaroroonan ng mga residenteng nawawala.

Maging ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection sa nasabing bayan ay mabilis ding rumeresponde kapag may naiuulat na masangsang na amoy sa paligid ng mga kabahayan para na rin sa ikapapanatag ng mga residente.

Ayon sa hepe ng MDRRMO na si Joy Maravilla, isang bahay na halos natabunan na ng mga buhangin at malalaking bato sa Barangay San Francisco ang kanilang huhukayin at papasukin upang alamin kung naroroon ang dalawang residente na hinahanap ng mga kaanak.

May ilang nakapagsabi na doon huling namataan ang dalawa sa kasagsagan ng bagyo.

“Tinuturo nila na noong time na rumaragasa na ‘yung bagyo, may pumasok dito…’yung nawawala nga… in-identify nila ‘yung mag-ina. Naririnig nilang may sumisigaw pa. Alam nilang hindi nakalabas,” sabi ni Maravilla.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Isang padre de pamilya naman ang patuloy na umaasa na makikita pa niyang muli ang asawa at anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan simula nang manalasa sa kanilang lugar ang bagyo.

Kuwento ni Salvador Manrique, palikas na sila ng kanyang pamilya nang abutan ng rumaragasang baha na may mga kasamang bato. Hindi nakaligtas ang apat na taong gulang niyang anak at nawawala ang kanyang asawa at disi-syete anyos na anak na babae. Ligtas naman ang dalawa pa nilang anak na babae.

Araw-araw niyang binabalikan ang lugar kung saan sila huling nagkahiwa-hiwalay sa pag-asang matatagpuan pa ang kanyang mag-inang si Elvie at Mikaela.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

“Sabi ko nga, sana buhay dahil wala pang nakukuha na bangkay,” anang nagdadalamhating si Salvador.

Ang anak ni Salvador na si Samuel ang pinakabatang biktima ng bagyo sa Guinobatan.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Loading…