Pagbaha, nabawasan o napigilan sana kung natapos ng MMDA ang mga flood control projects – COA

Screenshot mula sa Stand For Truth-Facebook
  • Pagbaha sa Metro Manila, naibsan o napigilan sana kung natapos ng MMDA ang mga flood control projects
  • Batay sa COA audit report, mahigit 50% pa ng mga flood control project na nakatakda para sa taong 2018 at 2019 ang hindi pa kumpleto
  • Pito sa mga naturang proyekto ang ni hindi pa nasisimulan

Napigilan o kaya’y nabawasan sana kahit papaano ang mga pagbaha sa Metro Manila kung nakumpleto ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga malalaking flood control projects na dapat ay tapos na noon pang 2018 at 2019, ayon sa report ng Commission  on Audit (COA).

Imahe mula sa PNP

“Various projects were not completed/implemented within the specific contract time due to inadequate planning and absence of coordination mechanism with the other concerned agencies and stakeholders, which hindered the MMDA in attaining its objective to mitigate flooding in the metropolis,” saad ng COA report.

Batay sa COA 2019 audit report sa MMDA na inilabas noong September 30, 2020, sa 108 flood control projects ng ahensya para sa taong 2019 na ang kabuuang halaga ay P1.1 billion, tanging 49 projects lang  o katumbas ng 45.37 percent na may halagang P453.242 million ang natapos nito.

Ang 54.63 percent ng mga proyekto na nagkakahalaga ng P639.561 million ay nananatiling hindi tapos at ang pito sa mga proyektong ito ay ni hindi pa nasisimulan.

Ang mga binanggit sa 2019 COA report ay bukod pa sa 13 flood control projects na nagkakahalaga ng 97.531 million na nakaprograma para sa taong 2018 ay hindi pa natatapos as of end of 2019.

Imahe mula sa PNA

Ayon pa sa report, ang 13 unfinished projects na ito ang makalulutas sana sa palagiang pagbaha sa Marikina, Maynila, Makati at Quezon City.

Iniuugnay ng COA ang mga delay sa proyekto sa kabiguan ng MMDA na isama sa 2019 Annual Procurement Plan nito ang detalyadong procurement timeline o ang schedule para sa bawat proyekto.

Imahe mula sa PCOO

 

Loading…