Pagbaha sa mga mabababang lugar isinisi sa mga subdivisions na nasa mataas na lugar

Imahe mula sa Philippine Coast Guard
  • Isinisi ng opisyal ng DOST sa mga subdivisions na nasa matataas na lugar ang pagbaha sa mga low-lying areas
  • Dahil sa mga sementadong kalsada ng mga asubdivisions ay nababawasan ang kapasidad ng lupa na sumipsip ng tubig ulan
  • Iminungkahi ni Usec. Renato Solidum, Jr. na dapat isaalang-alang ang tamang pagpaplano sa paggamit ng kalupaan tulad ng development ng residential at commercial areas at maging ng forest reserves

Ang mga subdivision sa mga matataas na lugar ang nagpapalala ng pagbaha sa mga low-lying areas, ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecterary Renato Solidum, Jr.

Imahe mula sa BahayPH

Sa isang interview sa telebisyon, sinabi ni Usec. Solidum na ang pagsesemento sa mga kalsada ng mga subdibisyon ay nakababawas sa kapasidad ng lupa na sumipsip ng tubig kapag umuulan.

“’Yung mga subdivision na itinatayo sa taas ng Marikina, San Mateo, at iba pang parte ng Antipolo ay nagpapabawas sa kapasidad ng lupa na masipsip ang tubig ulan dahil ito ay nasemento,” aniya.

Ipinaliwanag niya ang nangyayari sa tubig ulan na hindi masipsip ng sementadong lupa.

“Imbes pumasok sa loob ay aagos. Magkakaroon ng surface flow. Pupunta lang bigla ‘yan sa ilog. Ibig sabihin imbes na dahan-dahan pa siyang dumaan doon, mapupuno bigla ‘yung ilog, biglang taas, at mas bibilis aagos ang baha,” paliwanag ni Usec. Solidum.

Bukod pa sa mga sementadong kalsada sa matataas na lugar, delikado rin daw ang mga quarrying activities at kakulangan ng mga puno’t halaman.

Imahemula sa Ormoc City LGU

Iminungkahi ni Solidum na dapat isaalang-alang ang tamang pagpaplano sa paggamit ng kalupaan tulad ng development ng residential at commercial areas at maging ng forest reserves upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa posibleng hazards o mga panganib.

“Ito ‘yung tinatawag na tamang land use planning…Kung hahayaan lang natin ang bawat local government units na mag-decide, paano naman ‘yung mga bayan na nasa baba? Ang problema diyan, kanya-kanya. Wala tayong integrated land use planning sa watershed kaya nga ‘yung pinapanukalang batas na Land Use Act, napasa na po ‘yan sa House of Representatives,” paglalahad ng opisyal.

Hinihikayat ni Usec. Solidum ang publiko na alamin ang mga hazards sa kanilang mga lugar sa pamamagitan ng Hazard Hunter PH application ng DOST.

Imahe mula sa DOST-Phivolcs

Loading…