Pagdaan ng Chinese rocket sa ibabaw ng Luzon patungong moon, may dalang banta sa seguridad ng bansa?

Screenshot mula sa CGTN video
  • Nagbunsod ng pag-aalala hinggil sa national security ang pagdaan ng Chinese rocket sa ibabaw ng Luzon
  • Nakita sa video clip ng CGTN YouTube channel ang paglipad nito sa ibabaw ng Luzon at Pacific Ocean habang patungo sa orbit ng Earth
  • Ang misyon ng rocket ay kumolekta ng lunar rock samples na dadalhin sa Earth

Nabahala ang isang Pinoy astrophysicist sa paglipad ng isang rocket ng China na patungo sa buwan dahil dumaan iyon sa ibabaw ng Luzon.

Screenshot mula sa CGTN video

Noong Martes ng umaga, November 24, lumipad sa ibabaw ng Luzon ang Long March 5, ang pinaka-powerful at pinakamalaking rocket ng China. Sinlaki umano iyon ng isang gusali na may dalawampung palapag at kayang maglulan ng bigat na 25 tonelada o katumbas ng timbang ng labing-anim na kotse.

Inilunsad ang rocket mula sa Wenchang Space Launch Center in Hainan Province dakong 4:30 ng umaga (Philippine time). Nakita sa video clip ng CGTN YouTube channel ang paglipad nito sa ibabaw ng Luzon at Pacific Ocean habang patungo sa orbit ng Earth.

Ang paglulusad ng Long March 5 ay bahagi ng ambisyosong Chang’e 5 lunar exploration mission ng China, isang makasaysayang pagtatangka nito na maging ikatlong bansa sa mundo kasunod ng United States at Russia na kumuha at dalhin sa Earth ang ilang lunar rock samples.

Ayon sa astrophysicist na si Rogel Mari Sese, dating program leader ng National Space Development Program (NSDP) at chairman ngayon ng Department of Aerospace Engineering at Ateneo de Davao University, may potensyal na banta ito sa seguridad ng bansa at sa mga komunidad na nasa flight path ng rocket.

Screenshot mula sa Spacetech Asia video

“It’s a potential national security and space security issue if we regularly have rocket components flying over and possibly crashing into Philippine territory. One of the Key Development Areas of our Philippine Space Development and Utilization Policy is National Security and Development. Hence, there is a national security concern given the trajectory of the rocket launches from Hainan Island,” ani Sese.

Bagama’t pinuri niya ang scientific value ng lunar exploration mission ng China, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng inter-governmental coordination upang matiyak ang public safety.

“At least inform the Philippine government before and while the launch happens. Keep the country in the loop, because we’re downrange of it. With the launch facility on Hainan Island being crucial to China’s space plan, we expect launches like these to be more frequent in the future,” anang astrophysicist.

Wala namang dapat ikaalarma ang publiko sa Chinese rocket na dumaan dahil isang peaceful mission iyon, ayon kay Philippine Space Agency (PhilSA) Director General Joel Marciano Jr.

Screenshot mula sa CGTN video

 

Loading…