Paggawa ng Anime at Manga, isa nang college course sa Japan

Imahe mula sa Kaishi Professional University
  • Isa nang college course sa Japan ang paggawa ng Anime at Manga
  • Sa April 2021 ay opisyal nang bubuksan ng Kaishi Professional University sa Niigata Prefecture ang Manga and Anime Department nito matapos maaprubahan ng Minister of Education, Culture, Sports, Science and Technology
  • Sa unang taon nito ay 80 students lang ang tatanggapin kung saan ang entrance exam ay gaganapin sa December 19, 2020

Simula sa susunod na taon, isang unibersidad sa Japan ang mag-aalok ng kursong ang focus ay ang paggawa ng Anime at Manga.

Imahe mula sa Viz Media

Ang Anime ay isang guhit-kamay o computer-aided animation mula sa Japan. Hango ang katagang ito sa English word na animation. Sa Japan, anime ang tawag nila sa lahat ng uri ng animation works kahit saang lugar ito nagmula, samantalang sa ibang bansa naman, ang anime ay tumutukoy sa mga animation na gawa sa Japan.

Ang Manga naman ay tumutukoy sa mga babasahing komiks na gawa sa Japan.

Sa April 2021 ay opisyal nang bubuksan ng Kaishi Professional University sa Niigata Prefecture ang Manga and Anime Department nito matapos maaprubahan ng Minister of Education, Culture, Sports, Science and Technology ang pagtatatag nito noong November 16, 2020.

“They will learn the theory and practice needed to create for more than 600 hours from leading anime and manga creators, such as professional animators, animation directors, manga artists, character designers, illustrators, and game creators, as well as animation and manga researchers,” ayon ulat ng anime streaming service na Crunchyroll.

Imahe mula sa JW-webmagazine

Ayon sa website ng unibersidad, layunin nito na ma-develop hindi lang ang skills ng mga estudyante sa anime, manga at character design kundi maging ang kanilang “production and planning capabilities” na direktang nauugnay sa business development.

Si Sachiko Kamimura, ang animator sa likod ng City Hunter, ang magsisilbi bilang Dean ng Faculty of Anime and Manga Department.

Imahe mula sa TM Network

Kabilang sa mga subjects sa Anime and Manga course ay ang “Drawing expression technique theory,” “Perspective projection basics,” “Animation production process exercise,” “Manga script training,” “Character design training,” “Screenplay introduction,” at “Planning and Producing Seminar.”

Sa unang taon ng departamento, tatanggap ito ng 80 students. Ang entrance exam para sa kurso ay gaganapin sa December 19, 2020.

 

Loading…