Paika-ika nang maglakad: Lalaki dinala sa QC para magtrabaho, basta iniwan ng kasama

Image by Sumea Grace via Facebook
  • Lalaking sumama sa Maynila para magtrabaho, iniwan ng mga kasama sa isang apartment
  • Paika-ika ito maglakad at nanghihingi ng tulong para makauwi sa kanila
  • Ibinahagi ng isang concerned netizen ang kuwento ng lalaki sa Facebook

Tiwala. Marami sa atin ang kagyat na nagtitiwala sa iba lalo na kung may iniaalok na makatutulong, kagaya ng raket o trabaho. Kailangan man natin ang inaalok, mahalagang maging mapanuri baka naman nanloloko lamang ang kausap.

Image by Sumea Grace via Facebook

Trending ang isang lalaki na nakilalang si Tatay Alfred Dela Cruz sa Facebook makaraan siyang maispatan ng netizen na si Sumea Grace. Ani Sumea, paika-ika na ang lalaki sa paglalakad.

“Hi guys, siya po si Tatay Alfred Dela Cruz. Nakita ko siya na paika-ika maglakad. Nag-offer ako sa kanya ng food at nakapagkuwentuhan kami.”

Saad pa ng netizen, nasabi ng kausap na isinama siya sa Maynila mula Paddy City, Nueva Ecija para magtrabaho at nang makarating ay natulog sila sa isang apartment. Kaya lamang, pagkagising niya ay wala na ang kanyang mga kasama – iniwan na siya.

“Sa ngayon po ay makikita siya sa Lagro, Quezon City. Kapag nakita ninyo, kahit kaunting pera, pagkain o gamot makapag-abot kayo. Malaking bagay na po para sa kanya.”

Nasabi pa ni Sumea na bahagi ng kanilang proyekto ngayong buwan ang matulungan si Tatay Alfred. Mayroon na raw mga nagpaabot ng kaunting tulong pero humihingi pa ang grupo ng karagdagan para naman makapagsimula ng mas magandang buhay ang lalaki kapag nakauwi sa kanila, nang may napala pa rin sa pagpunta sa siyuadad at hindi na sumama kung kani-kanino para maghanap ng trabaho.

Image by Sumea Grace via Facebook

Update as of Nov. 15: Mayroong mga tumulong sa pamamagitan ng GCash number 09155956172 o at ayon kay Sumea ay nakauwi na si Tatay sa kanyang pamilya. Salamat sa mga kababayang nagpatak-patak para matuloy ang kanyang pag-uwi.

Image by Sumea Grace via Facebook
Source :

Facebook

Loading…