Pamilya nakaligtas sa kapahamakan dahil inalerto ng alagang aso

Image by Caitlyn Radel-Paaby via Facebook
  • Alagang aso, inalerto ang pamilya sa sunog sa kanilang electrical box
  • Dahil dito, kaagad nilang natawagan ang mga awtoridad at nakaligtas sila sa napipintong kapahamakan
  • Ipinagmamalaki at nagpapasalamat ang pet owner sa ginawa ng kanilang alaga

Hindi lamang mga simpleng alaga sa tahanan ang mga aso dahil pamilya ang turing ng marami sa kanila, at gayundin ang turing nila sa mga nag-aalaga sa kanila. Maliban sa positibong vibes na nadadala nila ay nakakatulong din para maging guwardiya ng tahanan – pati na rin guwardiya sa sunog.

Image by Caitlyn Radel-Paaby via Facebook

Gayun na lamang ang pagmamalaki at pasasalamat ng pet owner na si Caitlyn Radel-Paaby sa kanilang alagang aso yamang kung wala ito ay baka hindi sila nakaligtas sa nakaambang kapahamakan.

Pagkukuwento ni Caitlyn sa Facebook Group na Dogspotting Society, mabuti na lamang at inalerto sila ng kanilang alagang aso na may sunog na nagaganap sa kanilang electric box dahil kung hindi nila iyon naagapan ay lalong kumalat.

Ang box na tinutukoy, anang netizen, ay nasa isang lugar na hindi agad mapapansin.

Mababasa sa post, “My dog just saved us from an inevitable fire. She sniffed out a burning outlet that is in a place that we wouldn’t have seen until it was too late. She alerted us to the problem and we called the Fire Department.

“There was a fire in the electrical box that if we hadn’t caught would have spread to the rest of the wall over night or while we were sleeping. I can’t tell you how proud I am of her.”

Image by Caitlyn Radel-Paaby via Facebook

Kagyat namang nag-trending ang post na nakalikom na ng higit 94,000 reaksyon at abot 24,000 pagbabahagi habang ipino-post ito. Marami ang pumuri sa ginawa ng aso.

Sabi ng isa, “They sure love to protect their humans. Your hero earned a steak. Thank you, everything worked out well.”

Iba pang komento, “Bravo! Such a good girl! Animals truly are angels.”

Image by Caitlyn Radel-Paaby via Facebook
Source :

Facebook

Loading…