Panahon na para magkaroon ng permanent evacuation centers na kumpleto sa amenities – PRRD

Imahe mula sa CBCP
  • Sinabi ni Pangulong Duterte na napapanahon na ang pagpapatayo ng permanenteng evacuation centers
  • Nais ng Pangulo na matibay ang gagawing evacuation centers na maraming comfort rooms
  • Bilang pagbibigay-suporta sa pahayag ni Presidente Duterte, isinulong ni Senator Bong Go ang Senate Bill Number 1228 o ang “Mandatory Evacuation Center Bill”

Sa tuwing mayroong malawakang kalamidad, ang mga mamamayang inililikas ay dinadala sa mga pampublikong paaralan na kadalasang ginagamit bilang pansamantalang mapagkakanlungan na ayon kay Senator Bong Go ay hindi ideal na gamiting evacuation centers.

Imahe mula sa Business Mirror

Ilang mga eksperto na rin ang nanawagan sa Kongreso na paglaanan ng pondo ang pagkakaroon ng mga permanenteng evacuation centers.

Sa kanyang public briefing noong nakaraang Martes, November 16, nabanggit din ni Pangulong Rodrigo Duterte na napapanahon na upang magkaroon ng permanent evacutation centers na matitibay at kumpleto sa amenities.

“Alam mo, it is high time that government consider really, of course, in the government units facing the Pacific Ocean, gamit na gamit ito na we build a strong structure, stronger than a typhoon that would come their way para mapuntahan ng mga tao, and maybe small rooms with many comfort rooms where people can really stay for a while,” anang Pangulo.

Bilang pagbibigay-suporta sa pahayag ni Presidente Duterte, isinulong ni Senator Bong Go ang Senate Bill Number 1228 o ang “Mandatory Evacuation Center Bill.” Aniya, dapat may itatalagang health officer sa bawat evacuation center na siyang titiyak sa kalusugan ng mga lumikas na mamamayan.

Imahe mula sa PCOO

“Dapat merong mga safety at health officers sa bawat lugar, lalung-lalo na po sa evacuation centers,” aniya.

Binanggit niya na mayroon namang ginawang mga evacuation centers sa bawat rehiyon ang Department of Public Works and Highways, subalit kailangan pa raw itong madagdagan at mapaganda upang matugunan ang pangangailangan at kaligtasan ng mga evacuees sa panahon ng kalamidad.

Imahe mula sa DPWH
Source :

Facebook, Tribune

Loading…