
- Nagpaabot ng pagbati sina Pangulong Duterte at VP Leni kina Biden at Harris
- Sila ang mga bagong pinakamataas na pinuno sa United States of America
- Tinalo ni Biden si incumbent President Donald Trump
Nagpahatid ng pagbati sina Pangulong Rodrigo Duterte at Pangalawang Pangulong Leni Robredo sa pagkakapanalo ng bagong Pangulo at Pangalawang Pangulo ng United States of America na sina Joe Biden at Kamala Harris nitong Linggo, Nobyembre 8, 2020.
“On behalf of the Filipino Nation, President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to former Vice President Joseph “Joe” Biden on his election as the new President of the United States of America,” bahagi ng opisyal na pahayag mula sa Office of Presidential Spokesperson para kay Biden.

“We look forward to working closely with the new administration of President-elect Biden anchored on mutual respect, mutual benefit, and shared commitment to democracy, freedom and the rule of law,” bahagi pa nito
Duterte congratulates US President-elect Joe Biden
Nagpaabot din ng kaniyang pagbati si VP Leni sa pamamagitan naman ng kaniyang Twitter account. Binati niya sina Biden at ang kauna-unahang babaeng VP ng USA na si Harris.
“My warmest congratulations to President-elect Joe Biden and VP-elect Kamala Harris! Your victory is an affirmation of the shared ideals on which the long friendship between our two nations stand: democracy, civil rights, faith, and inclusivity. I pray for your success!,” saad niya sa Twitter post.

Matatandaang inabangan at pinag-usapan ang naganap na halalan sa USA, hindi lamang ng kanilang mga mamamayan, kundi maging sa buong panig ng daigdig. Inaabangan kasi ito dahil tiyak na magkakaroon ito ng direkta at di-direktang epekto sa ekonomiya at foreign affairs ng bawat bansa.
Tinalo ni Biden si incumbent US President Donald Trump na hindi pa rin matanggap ang kaniyang pagkatalo batay sa kaniyang mga protesta. Mananatili pa ring pangulo ng USA si Trump hanggang 2020, at inaasahang mauupo na sila nang tuluyan sa puwesto at gagampanan ang mga tungkulin sa Enero 20, 2021.