Panukalang batas kontra sa mga nambabato ng mga sasakyan, aprubado na sa Kamara

Imahe mula sa Philippines Now
  • Aprubado na sa Kamara ang panukalang magpapataw ng kaparusahan sa mga thrill seekers na nambabato ng mga sasakyan
  • Maaaring makulong ng mula isang taon hanggang 25 taon at pagmultahin ng mula P10,000 hanggang P100,000 ang magkakasala depende sa resulta ng pambabato
  • Lahat ng congressmen na dumalo sa virtual plenary session ay bumoto pabor sa HB 7838

Inaprubahan ng House of Representatives ang panukalang parusahan ang mga thrill seekers na inilalagay sa seryosong panganib ang buhay ng mga motorista at mga pasahero dahil sa ginagawa nilang pambabato sa mga sasakyang tumatakbo o nakahinto.

Imahe mula sa House of Representatives

Lahat ng 240 congressmen na dumalo sa virtual plenary session ay bumoto pabor sa House Bill Number 7838 sa third and final reading nito noong Martes, November 24.

Ayon sa panukalang batas, ang karaniwang gumagawa ng pambabato sa mga sasakyan ay ang mga taong lango sa alak o kaya ay sa ipinagbabawal na gamot.

Sa ilalim ng panukala, ang sinumang maghagis ng bato, itlog, dumi at kahalintulad na mga bagay sa mga behikulo na nagreresulta sa obstruction ng vison ng driver o pinsala sa sasakyan ay papatawan ng kaparusahan.

Makukulong ng hanggang 25 taon at may multang P100,000 bukod pa sa civil liabilities para sa pagpapakumpuni ng napinsalang sasakyan kung ang pambabatong ginawa ay nagresulta sa pagkasawi ng isang tao.

Limang taong pagkakakulong at multang P15,000 bukod pa sa civil liabilities at medical expenses at rehabilitasyon kung ang nagresulta ang pambabato sa physical injury ng isang tao.

Imahe mula sa Snopes

Isang taong pagkakakulong at multang P10,000 bukod pa sa halaga ng pagpapa-repair ng napinsalang sasakyan kung walang taong nasaktan sa ginawang pambabato.

Kung ang may sala ay holder ng non-professional driver’s license, sususpindehin ang lisensya ng 12 months para sa first offense, at kung mauulit ang pambabato ay habambuhay nang babawian ng lisensya.

Kung professional driver’s license holder ang offender, habambuhay nang babawian ng lisensya sa first offense pa lang.

Imahe mula sa Citizen Express

Loading…