Patani pinalitan si Mystica sa “Owe My Love”

  • May pumalit na kay Mystica sa “Owe My Love”
  • Ito ay ang komedyanteng si Patani
  • Inireklamo ni Mystica ang production staff nito

Si Jervy “Patani” Daño na ang pumalit sa role ni Mystica sa comedy-series na “Owe My Love,” na kamakailan lamang ay naging kontrobersyal dahil sa kaniyang paglayas sa “lock-in taping,” dahil umano sa hindi magandang trato sa kaniya ng production staff nito.

Isiniwalat ni Mystica ang mga dahilan ng kaniyang pag-alis sa lock-in taping sa isang resort sa Bocaue, Bulacan, sa pamamagitan ng kaniyang YouTube channel. Makakasama niya dapat sa naturang serye sina Kiray Celis, Winwyn Marquez, Buboy Villar, Nova Villa, Benjamin Alves, at Lovi Poe.

Public Domain Image

““I have been in showbusiness for 20-years but this is the only time I have felt that I have been treated unfairly and unjustly!” ani Mystica.

Hindi raw dininig ng production staff ang kaniyang mga concerns. Una, hindi raw niya alam na may lock-in taping kaya hindi raw siya nakapagdala ng mga gamit. Pangalawa, hindi niya nagustuhang kasama niya sa iisang kuwarto ang komedyanteng si Kiray Celis. Ang naging huling “straw” para tuluyan siyang mag-back out ay nang walang makapagtiyak sa kaniya kung ilang linggo pa siyang sasalang sa taping, at kung magkano ang maibabayad sa kaniya.

Pinabulaanan ni Mystica ang naunang mga balitang kaya raw siya nag-alsa balutan ay dahil hindi siya nabigyan ng breakfast; bagay na iginiit niyang hindi naman ganoon kababaw ang kaniyang tunay na dahilan.

Samantala, nagbigay naman ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng GMA Network. Isa-isa nilang sinagot ang mga alegasyon at patutsada ni Mystica.

“There is absolutely no truth to Mystica’s claim that she did not know that she will be staying in a resort for the duration of the lock-in taping. Prior to the scheduled lock-in taping, all artists were already informed about the set-up as well as their room arrangements – to which Mystica did not bring up any concerns. She entered the lock-in taping on November 16,” bahagi ng pahayag.

Public Domain Image

Bahagi rin ng kanilang pahayag ang paliwanag sa isyung pinagsama silang dalawa ni Kiray Celis sa iisang kuwarto.

“With regard to her sharing the room with Kiray, this was communicated to her in advance as well. The door of their room was clearly labeled with the name of the assigned occupants—Kiray and Mystica. Kiray entered the lock-in taping on November 19, three days after Mystica.”

“But that same night at 11pm, Mystica complained and demanded that she be given her own room. Due to the lateness of the hour, production could not accommodate this immediately. But the following morning (November 20), she was transferred to her own room.”

Hindi rin umano totoo ang bintang nitong taken for granted siya.

“There is also no truth to Mystica’s claim that she was “taken for granted.” As part of the house rules, food is usually brought to the assigned area where artists are on standby. But upon request, this can also be delivered to the artist. Mystica was informed on Saturday that breakfast will be at the Artists’ tent in the shoot location, not at the hotel where she was billeted.”

Public Domain Image

“She was also informed that her breakfast was for pick up from one of the standby tents. She complained about this set-up so the next day, two production staff were assigned to bring the meals to her.”

Iginiit din nilang lumabag sa health protocols si Mystica dahil pinapasok nito ang anak sa loob ng resort upang tulungan siyang kunin ang mga gamit niya papasok sa sasakyan. Makikita mismo ito sa mga videos na ibinahagi ng singer-actress.

“In addition, Mystica violated the program’s safety protocols last November 22 when she told the guard at the resort to allow her son to drive inside the premises. He got out of the vehicle and personally handed Mystica some groceries. This was done without the program’s permission.”

Dahil daw sa paglabag ni Mystica, nakapagdesisyon daw ang management na paalisin na sa lock-in taping si Mystica, subalit nakaimpake na pala ito at handa nang umalis.

“As a result of this serious breach of protocol, the program decided to ask Mystica to leave the lock-in taping on November 23. But when the show’s Executive Producer met with her that morning, she was already packed and ready to leave. The production assisted her until she left at around 8:30 AM.”

“Owe My Love is doing its best to help make all artists comfortable but it also continues to strictly adhere to the protocols set by GMA Network as well as the concerned government agencies to ensure the safety and well-being of all its artists and production staff.”

Samantala, unang nakilala si Patani bilang cast away ng Survivor Philippines na ipinalabas sa GMA Network noong 2008.

Loading…