Payo ni Dok: Para sa magandang kalusugan, huwag magpakabusog

Imahe mula kay Doc Liza Ramoso-Ong
  • Ipinayo ni Doc Liza na huwag magpakabusog para sa maayos na kalusugan
  • Ipinayo niya na dapat nating gayahin ang mga residente ng Okinawa, Japan
  • Ang mga Okinawans ang itinuturing na may pinakamahabang buhay sa buong mundo

Ipinayo ni Doc Liza Ramoso-Ong, maybahay ng popular na si Doc Willie Ong, na dapat nating tularan ang mga residente ng Okinawa, Japan kung nais nating maging maayos ang ating kalusugan at magkaroon ng masaya at mahabang buhay.

Screenshot mula sa TheWayPlace video via YouTube

Ang mga Okinawans ang itinuturing na may pinakamahabang buhay sa buong mundo. Marami sa kanila ang mahigit 100 years old na. Para sa kanila, ang edad otsenta ay bata pa.

Sabi ni Doc Liza, hindi raw nagpapakabusog ang mga Okinawans. Ito umano ang sikreto ng kanilang longevity.

“Hindi sila nagpapakabusog. Basta may laman lang ang tiyan nila ay puwede na. Hindi naman sila gutom ngunit hindi rin sila busog na busog,” aniya.

“Hara Hachi Bu” ang tawag ng mga Okinawans sa kanilang diyeta na hindi lubos na nagpapakabusog.

Anang doktora, may mga pagsusuri na nagpapakita na ang mga payat ay may longer lifespan kumpara sa mga matataba.

Ang pagkain ng labis ay nakakasama sa kalusugan dahil nahihirapan ang ating katawan na tunawin ang mga ito.

“Dodoble ang trabaho ng ating atay, pale (pancreas) bato at puso dahil sa sobrang pagkabusog. Tataas din bigla ang ating asukal sa dugo,” aniya.

Imahe mula sa FMT

Dapat umano nating sundin ang payo ng mga eksperto na “high nutrients at low calorie” diet.

“Ang ibig sabihin ay mataas sa nutrisyon ang iyong dapat kainin pero mababa naman sa calorie. Para matupad ito, subukang kumain nang mas maraming gulay, isda, prutas, beans at soy products (tofu, taho, tokwa),” paliwanag ni Doc Liza.

Ang pagkain ng karneng baka at baboy, matatamis na inumin at matatabang pagkain ay dapat limitahan. Ang kanin naman ay dapat daw na hanggang isa’t kalahating tasa lang.

Ang isa pa niyang payo upang maiwasan ang overeating ay ang pagkain ng lima hanggang anim na beses kada araw, pero pakonti-kontio lang. Sa ganitong pamamaraan ay dahan-dahan ang pasok ng nutrisyon sa ating katawan kaya hindi mahihirapan ang ating mga organs.

Imahe mula kay Doc Liza Ramoso-Ong

Maaaring mamasyal sa YouTube channel ng mag-asawang Ong para sa iba pang payong pangkalusugan.

Loading…