Pera, charger, driver’s license atbp sa napulot na bag hindi pinag-interesan ng matapat na netizen

Image by Genard Calibayan Octaviano via Facebook
  • Filipino netizen nakapulot ng bag na may lamang pera at iba pang mahahalagang gamit
  • Ipinost niya ang pangyayari sa social media kasabay ang panawagan na mahanap ang tunay na may-ari
  • Marami ang pumuri sa ginawa ni Genard Octaviano

Marami mang mga pagsubok ang dumating sa atin lalo na ngayong taong 2020, hindi pa rin nawawala ang pagiging matapat ng ating mga kababayan. Anuman ang mangyari, nananatili pa rin sa paligid ang mga taong may busilak na kalooban at nakahandang gumawa ng kabutihan nang hindi humihingi ng kapalit.

Image by Genard Calibayan Octaviano via Facebook

Nag-trending kamakailan ang Facebook post ni Genard Calibayan Octaviano na nananawagan na mahanap ang nagmamay-ari sa napulot na bag at nakahandang ibalik sa may-ari.

Aniya, “Kagulong Mark Andrei Dogillo, ako [ang] nakapulot ng bag mo kanina sa Makati. PM mo lang ako.” Maaaring ang kagulong na tinutukoy ay dahil sa driver’s license na nasa loob ng bag na napulot.

Maliban sa lisensya, nasa loob din ng bag ang pera (P1,000.00 at P500.00), phone charger, bottled alcohol at iba pang mahahalagang dokumento.

Kagya’t namang nag-trending ang post na nakakuha na ng higit 480 komento at nasa 670 pagbabahagi habang isine-share ito. Dulot nito, sa comment section ay sinabi ni Genard na naibalik na sa may-ari ang gamit, “Nakuha na paps.”

Kaya naman, napa-thumbs up ang marami sa ginawa ng Good Samaritan. Anang isa, “Nakakatuwa na marami akong nakikitang post regarding sa pagsosoli ng mga gamit ng iba lalo ang wallet at pera sa kabila ng kalbaryong dinaranas natin ngayon. Kahit hindi ako ‘yung may-ari, gusto kong magpasalamat dahil sa pagiging magandang ehemplo po ninyo sa akin at sana sa ibang tao rin. Good job!”

Image by Genard Calibayan Octaviano via Facebook

Iba pang reaksyon, “Ang bait ng nakapulot, sana hindi man karamihan ganito pero sana marami pa ang kagaya mo.”

May nagsabi naman ng, “God bless paps, sobrang pagpapalain ka sa ginawa mo. Napaka-suwerte ng pamilya mo sa’yo dahil isa kang mabuting tao.”

Image by Genard Calibayan Octaviano via Facebook
Source :

Facebook

Loading…