PH nakatanggap ng ‘precision guided munitions’ mula sa US na nagkakahalaga ng $18-M

Imahe mula sa DFA website
  • Nakatanggap ang Pilipinas ng weapons system na nagkakahalaga ng $18-M mula sa Estados Unidos
  • Ito ay kasabay ng pagbisita sa bansa ni U.S. National Security Advisor Robert C. O’Brien
  • Ang precision guided munitions (PGMs) ay gagamitin upang masugpo ang mga kalaban ng pamahalaan sa Mindanao

Nakatanggap ang Pilipinas ng ‘defense materials’ na nagkakahalaga ng $18-M (P867.4-M) mula sa Estados Unidos na gagamitin para masugpo ang mga kalaban ng pamahalan sa Mindanao.

Nitong Lunes, Nobyembre 23, pormal na tinanggap ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro L. Locsin, Jr. ang weapons system mula kay U.S. National Security Advisor Robert C. O’Brien na dumalaw sa bansa.

Imahe mula sa DFA website

“I am pleased to receive, on behalf of the Philippine government, the donation by the US government of precision guided munitions or PGMs, valued at approximately $18 million,” ani Locsin sa isang pahayag.

Ito ay kinabibilangan ng 24 MK-82 bombs; 1 MK-82 crate/ packaging; 100 tube launched optically guided wireless tow missiles 2A Bunker Busters; 12 Improved target acquisition system and support equipment.

“We look forward to training for the use of these weapons with the best and undisputed military power in the world,” ayon pa sa kalihim.

Si O’Brien ay kasalukuyang nasa Pilipinas bilang bahagi ng kaniyang Southeast Asia tour na kabilang din ang Vietnam. Inaasahang pag-uusapan ng dalawang opisyal ang mga isyung may kinalaman sa relasyon ng Estados Unidos at Pilipinas kabilang na ang usapin sa West Philippine Sea.

Imahe mula sa DFA website

“This transfer underscores our strong and enduring commitment to a critical alliance. We hope our precision guided missiles and munitions will help the AFP protect Philippine lives in Mindanao and in the needless suffering imposed by ISIS-East Asia,” ani O’Brien.

Ang turn-over ceremony ay ginanap sa tanggapan ng DFA at dinaluhan din nina National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., Ambassador Elizabeth P. Buensuceso, Officer-in-Charge of the Office of the Undersecretary for Policy, at National Defense Assistant Secretary Teodoro Cirilo T. Torralba III.

Loading…