Pilipinas dapat magkaroon ng universal pension system – ILO

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Maraming manggagawa ang nangangamba sa kanilang pagreretiro dahil walang matatanggap na buwanang pensyon
  • Iminungkahi ng ILO na magkaroon ng universal pension system ang Pilipinas
  • Ito ay upang mabigyan ng buwanang pensyon ang mga retiradong manggagawa na hindi nakapaghulog sa SSS o GSIS

Maraming mga Pilipinong manggagawa na kahit ilang taon ang ginugol sa pagtatrabahao ay walang ibang benepisyong natatanggap kundi ang kanilang buwanang suweldo kaya nangangamba sila sa pagdating ng panahon na kailangan na nilang magretiro.

Imahe mula sa Philippine News Agency

Upang mabigyan ng proteksyon ang mga manggagawa na nasa ganitong kalagayan, iminungkahi ng International Labor Organization na paigtingin ang pension system sa mga bansang kagaya ng Pilipinas, lalo na ngayong may pandemyang umiiral.

Ayon kay Nuno Meira Cunha, senior specialist on social protection ng ILO, kahit may mekanismo ang bansa para sa buwanang pensyon ng mga retiradong manggagawa tulad ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) ay hindi ito sasapat dahil sa maliit na kinikita ng mga senior citizens.

Iminungkahi niya na dapat ay magkaroon ang Pilipinas ng universal pension system upang ang mga manggagawa na hindi nakapaghulog sa SSS o GSIS ay makatanggap din ng buwanang pensyon.

“This creates a challenge not only for pension schemes but also for families. Today we see it’s really hard for families to take care of their elderly, and if we don’t have schemes in place to protect those workers when they get old we’re probably going to face a big problem in the future,” ani Cunha.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

“That’s probably a first step, if you want a low-hanging fruit, to ensure that everyone has some level of protection. Because even during a crisis, this also allows you, if you have already this level of protection, you want to inject money into the economy, that’s also a solution,” sabi pa niya.

Ayon sa Mercer CFA Institute Global Pension Index sa isinagawang pagkukumpara sa pension systems ng 39 bansa ngayong 2020 na ibinase sa limampung pamantayan, ang Pilipinas ay nasa ika-36 na posisyon.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Ang overall score na nakuha ng bansa ay 43 lang matapos tingnan kung sapat at maayos na naibibigay ang pensyon sa mga nagangailangan nito.

Mataas naman ang score na ibinigay pagdating sa sustainability category na ang ibig sabihin ay kayang magbigay ng pensyon ang Pilipinas sa mahabang panahon.

Source :

ABS-CBN, YouTube

Loading…