Pinag-ipunan nang matagal para sa pangarap na Rolex, idinonate sa mga nasalanta ng bagyo

Image by Sherwin Gonzales via Facebook
  • Perang matagal na pinag-ipunan para sa pinapangarap na Rolex watch, ibinigay sa mga nasalanta ni Rolly
  • Mas mahal umano ang presyo ng relo sa brand new car
  • Sherwin Gonzales: “It’s time to wake up that material things don’t last”

‘Yung mayroon kang isang bagay na masidhing pinapangarap at pinag-ipunan sa loob ng matagal na panahon pero nagdesisyon kang i-donate ang naipon yamang mayroong higit na nangangailangan. ‘Yan ang kabayanihang ginawa ni Sherwin Gonzales kamakailan.

Image by Sherwin Gonzales via Facebook

Pagkukuwento ni Sherwin, matagal na umano niyang pinapangarap ang makabili ng isang Rolex watch na ang presyo’y mas mahal pa sa isang brand new na sasakyan. Dahil sa matagal na pagtitipid at pag-iimpok ay nakaabot, sakto sanang regalo sa sarili sa kaarawan niya ngayong Nobyembre.

Kaya lamang, aniya, dumating ang bagyong Rolly. “Nagulat ako sa napanood ko sa TV. Ang daming bahay na nasira, daming walang makain. Narealize ko I’ve already received the best gift ever for my birthday. The gift of life and that’s priceless!”

Sobra-sobra na raw na ligtas sila sa bagyo, malusog, walang COVID, at nakakakain nang tatlong beses sa isang araw.

Saad pa nito, “Try to imagine waking up na na-wipe out ang bahay mo ng bagyo hayss… Bye, bye ROLEX. It’s time to wake up that material things don’t last.”

Dulot nito, nagdesisyon siyang ibigay ang naipon sa GMA Kapuso Foundation at bahala na umano ang foundation na gumasto sa perang ibibigay niya. Makikita sa isa sa mga larawang ibinahagi niya ang P1-milyon halaga ng donasyon sa foundation.

Image by Sherwin Gonzales via Facebook

“‘Di po ako mayaman but galing ‘yan sa puso ko. Sana with this post marami maka-realize how blessed they are. Hindi natin ikakayaman mag-sacrifice pero hindi din natin ikahihirap ang mag-share ngayon gaano man kalaki o kaliit.”

Kagyat namang nag-trending ang kuwento ni Sherwin sa social media at marami ang napahanga sa ginawa nito.

Komento ng isa, “You are God’s instrument in helping these people who are in need at these trying times. God is mindful of your good works sir and humility. God bless you and your family always, Sir Sherwin. You are a great mentor.”

Image by Sherwin Gonzales via Facebook
Source :

Facebook

Loading…