Pinakamalalim na diving pool sa buong mundo makikita sa Poland

Screenshot mula sa Euronews video
  • Binuksan sa Poland ang pinakamalalim na diving pool sa buong mundo
  • Tinawag itong Deepspot na may lalim na 45.4 meters o halos 149 feet
  • Tampok sa malalim na diving pool ang artipisyal na shipwreck, Mayan ruins at mga artipisyal na kuweba na maaaring galugarin ng divers

Binuksan noong Sabado, November 21, ang pinakamalalim na swimming pool sa buong mundo sa Mszczonow, Poland na may lalim na 45.4 meters o halos 149 feet. Dalawang taon ito ginawa at nagkakahalaga ng $10.6 million.

Screenshot mula sa Euronews video

Ang pool na tinawag na “Deepspot” ay naglalaman ng 8,000 cubic meters ng tubig – mahigit 20 na mas marami kumpara sa ordinaryong 25-meter-long na olympic-sized swimming pool. Sa kabila ng COVID-19 restrictions sa Poland ay binuksan ito dahil nagsisilbing training center ang Deepspot na nag-o-offer ng mga courses.

“It’s the world’s deepest pool,” pagmamalaking lahad ni Deepspot director Michal Braszczynski, na isang diving enthusiast.

Tampok sa malalim na diving pool ang artipisyal na shipwreck, Mayan ruins at mga artipisyal na kuweba na maaaring galugarin ng divers.

“There are no magnificent fish or coral reefs here so it is no substitute for the sea but it is definitely a good place to learn and to train in order to dive safely in open water,” sabi ng 39-year-old scuba diving instructor na si Przemyslaw Kacprzak.

“And that’s funny! It’s like kindergarten for divers,” sabi pa niya.

Screenshot mula sa Euronews video

Ang Deepspot ay gagamitin din para sa pagsasanay ng mga bumbero at army .

“There are many scenarios for training and we can also test different equipment,” saad ng Deepspot director na si Braszczynski.

Inilarawan ng bagitong diver na si Jerzy Nowacki ang unang karanasan niya sa Deepspot. Aniya, “For my first time, we went down five meters but you can see all the way to the bottom — the wreck, the caves — it’s magnificent!”

Bago buksan ang Deepspot, ang Montegrotto Terme sa Italy ang pinakamalalim na swimming na ang lalim ay 42 metro.

Ang “korona” ng Deepspot bilang deepest diving pool in the world ay nakatakdang maagaw sa susunod na taon kapag nagbukas na ang “The Abyss” sa Merseyside, United Kingdom. May lalim iyong 50 metro.

Screenshot mula sa Euronews video

Loading…