Pintura kayang puksain ang 99.9% ng SARS-CoV-2 na sanhi ng COVID-19

Screenshot mula sa video ng Corning Incorporated
  • Pinturang kayang pumuksa ng 99.9% COVID-19, naimbento
  • Ang pintura ay may sangkap na Corning Guardiant na napatunayang epektibong pamuksa sa maraming uri ng mikrobyo kabilang ang SARS-CoV-2 na sanhi ng COVID-19
  • Ang Guardiant ay gawa ng kumpanyang Corning na kilala bilang manufacturer ng Gorilla Glass na ginagamit na proteksyon sa mga smartphone displays

Isang US technology company ang nagsabi na nakagawa ito ng pintura na kayang puksain ang 99.9% ng SARS-CoV-2, ang virus na sanhi ng COVID-19.

Screenshot mula sa video ng Corning

Ang nasabing kumpanya ay ang Corning na kilala bilang manufacturer ng Gorilla Glass, ang brand ng isang chemically strengthened glass na ginagamit na proteksyon sa smartphone display.

Noong Huwebes, ika-12 ng Nobyembre, inanunsyo ng Corning ang bagong produkto na magbibigay ng ibang uri ng proteksyon – isang espesyal na additive sa mga pintura na tinawag nitong “Corning Guardiant” na napatunayan batay sa mga isinagawang demonstrasyon na kayang pumuksa ng iba-ibang mikrobyo kabilang na ang SAR-CoV-2 sa loob lang ng dalawang oras.

“We strive to create innovations that make the world a better place. Our scientists have developed this unique paint additive using our highly engineered glass-ceramic technology,” pahayag ni Corning chairman and CEO Wendell P. Weeks.

Imahe mula sa Corning Incorporated

Aniya, excited sila sa naging resulta ng mga lab tests na ang ginamit na pamamaraan ay aprubado ng US Environmental Protection Agency (EPA).

Ka-partner ng Corning ang PPG, isang paint manufacturer, na kasalukuyang pinaaaprubahan sa EPA ang bagong pintura na may sangkap na Corning Guardiant.

Imahe mula sa Corning Incorparated

“Following registration with the EPA, we look forward to launching a paint product in the coming months that contains Corning Guardiant, providing customers with an additional safeguard from the coronavirus in areas that pose a higher health risk,” pahayag ni PPG chairman and CEO Michael H. McGarry.

Ang Corning Guardiant ay isang uri ng microscopic powder na nagtataglay ng copper na inihahalo sa pintura upang makagawa ng “protective, anti-microbial” coating sa mga surfaces. Makatutulong ito na maiwasan ang transmission ng COVID-19 mula sa mga bagay na madalas hawakan ng mga tao.

Ayon sa isang microbiology professor mula sa University of Arizona na si Charles Gerba, ang “self-sanitizing surfaces” ay ang “next step in infection control.”

Screenshot mula sa video ng Corning Incorporated

“We need these types of weapons in germ warfare more than ever. These products have been demonstrated both in the laboratory and in hospital situations,” wika ni Prof. Gerba na siyang nag-analyze ng resulta ng product testing ng Corning Guardiant.

 

Loading…